CHAPTER 18 The Purpose

775 26 0
                                    

Wala sa mood si don Jaime at alam agad 'yon ng dalaga.

"Ellah, mag-usap nga tayo. "

Kinabahan siya, kapag ganito na ang tono ng kanyang lolo tiyak na merong problema.

"Bakit po lolo?"

"Sabihin mo ang totoong nangyari kung bakit nasa hospital ka. "

Napalunok ang dalaga.

"Huwag kang magsinungaling kagaya ng mga bodyguards mo!"

"A-ang totoo po lolo..."

Hindi niya masabi-sabi ang kasunod.

"Tell it straight!"

"Gian abducted me. "

Napamulagat ang mga mata ni don Jaime.

"Punyeta! Sinasabi ko na nga ba wala talagang gagawing matino ang hayop na 'yon!" dumagundong sa buong mansyon ang tinig ng don.

" I just realize paano kung totoo pong kidnapper ang kumuha sa akin lolo? Naisip kong hindi pala ako kayang ipagtanggol ng tatlong robot na 'yon."

"Hindi sila ang pinag-uusapan natin dito kundi ang hayop na 'yon!"

"That's my point lolo, naisip kong ibalik si Gian para maging bodyguard ko"

"Ano?! Nahihibang ka na ba! Sinubukan ka na ngang dukutin, pagkakatiwalaan mo pa siya uli!"

"Isipin niyo po, kung sakaling nakidnap talaga ako, hindi niyo ba papalitan ang tatlong 'yon? Lolo, nasubukan na po sila, at hindi nila ako na protektahan. "

"Kahit na! Kukuha ako ng iba! Pagkatapos niyang umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo at inuto ako, kukunin natin siya uli? Nasaan ba ang utak mo!"

Napayuko ang dalaga. "Alin po ba ang mas mahalaga sa inyo? Ang pride niyo ba? o ako?"

Napatingin ang don sa kanya pero hindi nakapagsalita.

"Kung ang inyong pride ang mahalaga, fine! Titiisin ko ang tatlong robot na 'yon. Pero huwag kayong magsisisi kung sakaling may totoong dudukot sa akin. "

Akmang tatalikod na siya nang magsalita ang matanda.

"Pag-iisipan ko ang sinabi mo. "

Lihim siyang napangiti.

"May itatanong lang po ako, sino ang nagsabi sa inyo?"

"Mahalaga pa ba 'yon?"

"Ofcourse lolo!"

"Tatanggalin mo ba siya? Dahil nagsasabi siya ng totoo?"

"Hindi po lolo, gusto ko siyang pasalamatan."

Napalingon ang don sa kanya.

"Malaki ang pasasalamat ko dahil may nagsabi sa inyo ng totoo, natakot po kasi ako, pero bilib ako sa kanya dahil matapang siya. "

Huminga ito ng malalim.

"Tauhan siya ng marketing manager. Pero si Javier mismo ang nagsabi sa akin. "

"Paanong nalaman niya lolo?"

"Dahil pang-apat siya sa nakulong sa bodega!"

Napanganga ang dalaga.

"Kung gusto mo pa ng paliwanag itanong mo sa magaling mong bodyguard!" anito sabay alis.

Dumeretso siya sa kwarto at nagbihis ng pampaligo.

"Ang walang hiya! Hindi sinabing apat pala ang ipinakulong niya!"

Idinayal niya ang numero ng binata.

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now