CHAPTER 21 The Trust

726 26 0
                                    

Nakapalibot ang lahat ng mga naroon sa isang malaking mesa at talagang hinihintay siya.

"Good morning ladies and gentlemen, sorry if I'm late. "

Hindi pa man siya nakakaupo nang tanungin ng isa.

"Is that a manager's habbit Ms. Lopez? Lagi ka na lang nalilate kapag ganitong may meeting."

"It's better to be late, kesa hindi nakapunta. "

"Then why are you late Ms. Lopez?"

"I am not here to be interrogated by you director Han. But I will tell you, I am late because I have so much work to be done."

Hindi ito nakasagot.

Itinaas niya ang noo " I do my responsibility first above anything!"

Natahimik ang lahat kaya naman umupo siya sa harapan.

Alam niyang nandito siya para batikusin ng mga ito. Nagmistula siyang usa na handang lapain ng mga leon.

Kahit balutin pa siya ng kahihiyan hindi siya aalis sa kanyang dapat uupuan.

Nararapat lang na ang may-ari ng kumpanya ang uupo sa harap at siya 'yon.

"Ang pag-uusapan natin ay tungkol sa income for the last six months."

Lahat sila napatingin sa harap kung saan naroon ang power point presentation.

Tumayo ang head ng mga direktor.

"Nakasaad dito na umabot tayo ng mahigit thirty million for the last six months noon na pinamamahalaan ng dating manager, pero ngayon ay hindi man lang tayo nakapangalahati. Noon malaki man ang expenses natin ay kumita pa rin tayo ng mahigit twenty million pero ngayong buwan, kung ibabawas mo lahat ng expenses ang kikitain natin ay wala pang fifteen million."

Tinanggal ang dating Manager noon dahil natuklasan nilang ang pera ng kumpanya ang mini mina sa halip na produkto.

Dahil doon napilitan silang mangutang sa bangko kapalit sa perang nawala.

Bukod pa sa utang nila noon sa naturang bangko bilang pandagdag sa puhunan.

"Malinaw na merong malaking perang nawawala, Ms. Lopez maaari mo ba itong ipapaliwanag?" isa sa mga direktor ang nagtanong.

Napalunok ang dalaga.

"Five months ago ay na lugi tayo ng mahigit half million pero ngayon ay unti-unti na nating nababawi. "

"Pero hindi sapat para mawalan ng ganoon kalaking kita, ganyan ka ba mamamahala sa kumpanya?" wika naman ng isa pa.

"May mga naririnig kaming balitang may relasyon daw kayo ng bodyguard mo? Hindi kaya ito ang dahilan kaya naaapektuhan ang 'yong pamamahala?"

Umugong ang bulungan.

"Ano ba ang pakinabang ng isang gwardya?"

"Hindi na ba siya nag-iisip ngayon?"

Nagsalita ang head.

"Tinagurian ka ngayong" Kidnapped Me!" Ms. Lopez, hindi mo ba alam na malaki ang epekto nito sa kumpanya? Uulanin tayo ng batikos dahil sa pinagagawa mo. Ipinapahiya mo ang kumpanya! "

Napatayo siya.

Pagdating kay Gian ay iba na ang usapan.

"Hindi totoo 'yan! Wala kaming relasyon ng bodyguard ko! Totoong kinidnap niya ako pero hindi totoong nagpakidnap ako! At hindi totoong nakakaapekto ito sa pamamahala ko sa kumpanya!"

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now