CHAPTER 46 The Decision

705 28 0
                                    

Natigagal si Gian, hindi niya akalaing luluhod sa kanya ang isang tinaguriang LEON!

Parang bigla siyang naalimpungatan.

"Tumayo po kayo sir!" hinila niya ang matanda patayo.

Pero matigas ito at nanatiling lumuluhod!

"Patawarin mo ako Gian, sising-sisi ako sa ginawa ko sa'yo. Hiyang-hiya ako sa'yo sa mga nagawa ko, " nakayukong wika ng matanda.

Naumid ang dila ng binata habang nanatiling nakatayo sa harapan ng don.

Dito sa buong Zamboanga ay pinakakilala ang isang Don Jaime Lopez bilang isa sa pinakamakapangyarihan dahil sa negosyong minahan bilang isa sa pinakamalaking supplier ng mga planta ng mga delatang sardinas.

Ngunit heto si don Jaime lumuluhod sa kanyang harapan!

"Napakalaki kong tanga noong hindi kita pinaniwalaan at pinakinggan. Sana magawa mo akong patawarin Gian."

Nahahabag na napatingin ang binata sa lolo ng kanyang minamahal.

Kahit nagkamali pa ito hindi pa rin ito dapat lumuhod sa kanya.

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko.
Pero umaasa akong mapapatawad mo ako.
Napakabait mo pa rin sa akin kahit tinangka na kitang patayin.
Wala na akong makikitang gaya mo, kaya umaasa akong mapatawad mo ako.
Hindi nagkamali ang apo ko nang piliin ka niya at iniwan ako."

Halata na sa tinig nito ang pag-iyak.

"Ngayon ko nalaman, mas mahusay ka palang magmahal kaysa sa akin. "

"Huwag niyong sabihin 'yan don Jaime. Mahal kayo ng inyong apo. Nagkataon lang na minahal niya rin ako at mahal ko siya kaya nagawa kong lumaban.
Ako ang dapat humingi ng tawad sa inyo don Jaime dahil hindi ako tumupad sa usapan at nagawa ko kayong suwayin nang minahal ko ang inyong apo. "

Siya naman ang lumuhod dito.

"Wala kang kasalanan Gian, nagmahal ka lang, ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagawa akong iwan ng apo ko at ipinagpalit sa'yo. "

"Marami ping salamat sa pang-unawa sir." Tumayo siya at inalalayan itong tumayo rin.

Sa pagkakataong ito ay tumayo na ang matanda at umupo sila sa sofa.

"Don Jaime, natutuwa ako at pumunta kayo, ang totoo may ibibigay ako sa inyo. "

"Ano 'yon?"

"Isa pang matibay na ebidensiya. "

"E-ebidensiya?"

Tumango ang binata at may kinuhang folder sa ibabaw ng mesa.

"Natitiyak kong kailangan niyo ito. Don Jaime ito ang huli kong alas. Ibibigay ko ito sa inyo dahil ayokong maglihim at magsinungaling, natatandaan ko ng sinabi ninyo 'yon sa akin. "

Iniabot niya ang isang brown envelope.

"Ayokong malaman ninyo na isang araw hindi na kayo ang may-ari ng inyong kumpanya.
Nasa loob niyan ang taong bagong nagmamay-ari ng inyong kumpanya."

"Patawad Gian kung hindi ako nagtiwala noon sa' yo."

"Nagtiwala po kayo don Jaime sa ibang paraan."

Tinanggap ng don at binuksan.

Nanlaki ang mga mata ng don sa nakita.

"Punyeta!" malakas na mura ni don Jaime.

Bumalasik ang mukha ng don. Bumalik na ang Leon!

"Don Jaime, ingatan ninyo ang inyong sarili dahil posibleng ang ebidensiyang 'yan ay magpapahamak sa inyo."

WANTED PROTECTOR Where stories live. Discover now