"Masarap 'tong tinola mo Quinn," puri n'ya sa pinakamasungit na taong nakilala ko, napangiti naman si Quinn pero nang mapansin kong nakangisi s'ya agad n'yang binawi ang ngiti n'ya, ay seasonal din pala ang lalaking 'to.

Para kaming nasa boodle fight, sandal kaming nagdasal bago nagbigay ng hudyat si lola, "kumain na tayo."

"Ikaw Alto dahan-dahan naman para kang mauubusan samantalang hindi ka naman nakatulong!" Bulyaw ni Gaile habang nakikipag-agawan ng kamatis.

"Eh bakit ba ngayon lang uli ko nakakain ng matinong pagkain!"

Tama s'ya, ngayon lang kami nakakakain ng lutong bahay.

Tahimik lang kong kumakain sa puwesto ko nang may maglagay ng piraso ng manok sa ibabaw ng kanin ko, nang tignan ko kong sino 'yon, si Jesse pala, ngitian ko s'ya saka ko nagpasalamat.

Natapos ang masayang tanghalian, tinulungan uli namin si lola sa gawaing bahay, naghugas ng plato si Alto at si Conan, si Ted at Gaile ang sa loob ng bahay para maglinis, si Quinn ang nagsibak ng kahoy habang ako mag-iigip total malapit lang daw balon sabi ni lola, parang ito na lang ang pasasalamat namin sa kanya pagpapakain at pagpapatuloy sa bahay n'ya.

Nakakaapat na kong balik sa balon, bahagyang pinagpapawisan at hinihingal kahit na hindi naman kalakihan ang bitbit kong lalagyan ng tubig, sa pagbalik ko, nahinto ko sa paglalakad nang mapansin ko ang dalawang lalaking nasa late 30's ang nakaupo malapit sa balon, napasulyap sila sa direksyon ko nang mapansin nila ko.

Pa'no sila nakarating dito? Wala sila rito kanina.

Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi nila nang makita ko.

"Oyyy may bisita pala si lola," sabi ng payat na lalaki, mataba at kalbo.

Ngumisi lang ang kasama n'yang masa mababa at may makapal na balbas.

Nag-aalangan kong lumapit sa balon, para silang hindi papahuli ng buhay sa mga itsura nila, pero na isipan kong maglakad papalapit sa balon baka kaibigan o kakilala ni lola ang mga ito rito na nakatira rin sa malapit.

Huminga ko ng malalim nang makalapit ko sa balon pero na-conscious ko sa mga kilos ko dahil kanina pa nila ko pinapanood.

Magsasalok na sana ko nang paluin ko sa puwet ng isa sa kanila.

Mabilis ang pangyayari, nabitawan kong muli ang hawak kong lalagyan ng tubig sa gulat, hindi ko alam kong anong gagawin o mararamdaman ko sa mga oras na 'yon, tawa lang sila ng tawa, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan kong humarap sa lalaking gumawa nu'n sa'kin, tawa pa rin s'ya ng tawa 'yong lalaking kalbo, first time 'tong nangyari sa'kin pero namumula ang mukha ko sa galit.

Mabilis ko s'yang binigyan ng sampal, 'yon din ang kauna-unahan na nakasampal ko ng lalaki dahil hindi marunong gumalang sa babae, hindi ko papayag na may mang gaganito sa'kin, sa sobrang lakas pati ko nasaktan.

Nabigla ang kasama n'ya at natahimik ang paligid.

Galit na galit na humarap sa'kin ang lalaking sinampal ko, "walang hiya kang babae ka!"

Hinila n'ya ang buhok ko kaya napasinghal ko sa sakit saka n'ya ko hinatak at tinulak sa lupa, halos masubsob ang mukha ko sa lakas ng pagkakatulak sa'kin, ramdaman kong namanhid ang mga palad kong tumama sa lupa.

"Hawakan mo nga ang isang 'to ng mabigyan natin ng leksyon," ngisi n'yang utos sa kasama.

Gusto kong sumigaw, gusto kong manlaban pero hindi ko magawa, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, palakas ng palakas na parang gusto nang kumawala ang puso ko.

Lalapit na sana ang lalaki nang biglang s'yang tumalsik sa puno, hanggang sa may kong anong bagay ang sunod-sunod na tumunog sa may bewang ng lalaki, parehas kaming napasulyap sa nakatayo sa di kalayuan, nakataas pa ang kamay ni Gaile at may lumalabas pa ro'n fiber ng kuryente sa daliri n'ya, nanlalaki ang mga mata kong lumayo ang lalaki, saka n'ya sinilip ang maliit na bagay sa bewang n'yang nakasabit at umiilaw ng pula.

Project NullWhere stories live. Discover now