"Hindi ba ninyo tinanong kong ano ba 'yong ginawa nila kagabi, na sila mismo ang may ginawang labag sa batas---"
"Huminahon ka Ms. Natividad---"
Sinulyapan ko si ma'am at binalik ang tingin sa dalawang officer.
"No ma'am! Pakinggan ninyo muna ko! Sila Karlos ang grupo nila, alam ba ninyo na ninakawan at nang gulo sila sa convenience store na 'yon, na ro'n ako nang mangyari 'yon! Kitang-kita ko! Kahit tignan ninyo ang CCTV makikita ninyo ang ginawa nila, hindi ba ninyo chineck kong lasing sila kagabi or naka-drugs! Anong sinasabi ninyong kakaiba dahil wala akong matandaan? Tumakbo ako at lumayo dahil baka ako ang mapagtripan nila so wala kong ginawang kakaiba or masama! Dahil ba anak sila ng mga kilalang tao hindi ninyo sila ikukulong! At ako! Sa'kin ninyo isisisi ang nangyari kagabi na hindi ko naman kasalanan na hindi ko naman mali!"
Hindi ko napigilan ang damdamin ko, taas-baba ang balikat ko dahil sa galit ko at pagpapaliwanag sa kanila, naka-titig si ma'am na para bang gulat na gulat, mahinahon naman ang dalawang officer na para bang may tama kong sinabi.
Umupo ko ng maayos at sinandal ang likod ko, hindi ba talaga matatapos ang problema ko?
"Maraming salamat sa kooperasyon Ms. Natividad pwede na po kayong umalis," sabi ni officer Kelly.
Hindi ko maitago ang inis ko sa kanila, "maraming salamat din po," sarkastikong sagot bago ko umalis at lumabas ng conference room.
Buong maghapon kong wala sa sarili hanggang sa makarating ko sa casa para kunin ang kotse kong pinalinis, ang daming tanong at gumugulo sa isipan ko.
Pinarada ko ang kotse sa waiting shed sa school ni Conan, saktong pagdating ko papalabas na rin ang kapatid ko, kasabay n'ya 'yong classmate n'yang si Jamaica na mahilig sa pink, bumusina ko kaya napasulyap s'ya agad sa kotse kong nasaan ko.
May ilang estudyante ring sinusundo ng mga magulang at mga kapatid nila, isa na ro'n si Karina dahil kapatid n'ya si Jamaica, hindi ko nga alam kong bakit magkaibigan ang mga kapatid namin samantalang hindi naman kami magkasundo.
Kumaway si Conan kay Jamaica ng pamamaalam bago s'ya lumapit sa kotse at buksan ang pintuan sa front seat, nang makapasok s'ya agad din n'yang sinara ang pintuan at nag-seat belt.
Napansin n'yang tahimik ko kaya sumulyap s'ya sa'kin, naningkit ang mga mata n'ya.
"Anong klaseng ngiti 'yan ate? Ang pangit mo!" Pang aasar n'ya habang namumula ang pisngi n'ya.
Nakangisi ko sa kanya, "tuwang-tuwa na naman si bunsoy kita n'ya crush n'ya," biro ko.
"Hindi ko crush si Jamaica!" Lalo s'yang namula.
Tumawa ko ng malakas habang binubuhay ang makina ng kotse at pinaandar.
"Oo na hindi na! Saan mo gusto kumain? Sa labas tayo, tinatamad kong magluto ngayon," suwestyon ko sa kanya.
Agad na nagbago ang aura n'ya, "gusto ko 'yan, gusto ko ng pizza at saka pasta!"
"Okay, pasta and pizza!"
Binagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pagod nang maka-uwi kami galing sa isang fast food, makapagbihis at makapag-ayos.
Nakakapagod ang araw na 'to, hinayaan kong dalawin ng antok hanggang sa dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko.
"Danger! Wake up Charlie, wake up!"
Napabalikwas ko ng bangon, hindi ko alam kong ilang segundo kong naka-pikit nagising ang diwa ko nang may marinig na naman ko sa isip ko katulad kaninang umaga, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Nagulat ko nang makarinig ko ng sunod-sunod na katok at doorbell sa pintuan.
Sino naman ang pupunta sa'min ng ganitong hating-gabi.
Umalis ko sa kama, lumabas ng silid, nadaanan ko pa ang silid ni Conan, bahagyang bukas ang pintuan, kaya nasilip kong mahimbing na s'yang natutulog, dumiretso ko sa baba, nang makalapit ko sa pintuan at buksan.
Dahan-dahan namilog ang mga mata ko, hindi agad ko naka-kilos nang makita ko ang dalawang men in black sa harapan ko, mabilis akong yinakap ng kaba nang makita sila.
Isasara ko sana ang pintuan nang iharang ng isang ang braso n'ya kaya hindi natuloy, tinulak ko ang pintuan ngunit masyadong malakas sa laki rin ng braso n'ya, bigla na lang kong tumalsik sa sahig nasagi ko pa ang vase sa lamesang malapit do'n kaya nabasag nang malaglag sa sahig, tuluyang nabuksan ang pintuan.
Lalapit sana ang isang lalaki nang---
"Ate?"
Napasulyap kaming tatlo sa hagdan kong saan nang gagaling ang boses ni Conan, agad kong tumayo tatakbo na sana ako sa hagdan pero nahigit at nahila ko ng isa sa mismong buhok ko pa.
Napasinghal ko sa sakit at nagpupumiglas sa pagkakahawak n'ya sa'kin.
"Ano ba bitawan mo ko!"
Tinapakan ko ang kanang paa ng humahawak sa'kin pero hindi s'ya nasaktan bagkus ko pa ang umaray.
Sa bilis na pangyayari bigla na lamang n'ya kong tinulak, tumama ang noo ko sa dulo ng lamesang malapit sa hagdan, hilong-hilo kong bumagsak sa sahig, napakasakit ng pagkakatama sa'kin.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Conan.
Gusto kong magsalita, sigawan ang kapatid ko na tumakas s'ya pero hindi ko magawa, naramdaman ko na may tumutulong likido galing sa noo kong tumama.
Kailangan kong lumaban para kay Conan, lalapit ang isa kay Conan, hindi s'ya umalis sa railings ng hagdan habang sinisigaw ang pangalan kong humahagulgol.
Dahan-dahan akong tumayo, pinang tungkod ko ang mga kamay ko sa lamesa, agad kong kinuha ang makapal na librong naka-patong do'n, ginawa ko ang makaka-kaya kong ibato ng malakas ang libro, saktong natamaan s'ya sa ulo, buti nga sa kanya, punyeta s'ya!
"Tumakbo ka na Conan!"
Pero wala na namang epekto sa kanya, kaya ako naman ang pinunterya n'ya, agad kong tumakbo at dumiretso sa loob ng kusina, kinuha ko agad 'yong kutsilyo sa counter, pagharap ko dalawa na silang naka-sunod sa'kin, ayos lang 'to at least hindi mapapahamak ang kapatid ko.
Lalapit na sana sila nang biglang pumasok si Conan, nagtaka kong naka-tingin sa kanya.
"Conan ano ba! Sabi ko umalis ka na rito!"
Pero parang hindi n'ya ko naririnig, nanlilisik ang mga mata n'yang naka-tingin sa dalawa.
Unti-unting namilog ang mga mata ko, malinaw na malinaw na nakikita kong nagbabago ang kulay at anyo n'ya, naging makintab na animoy pilak ang buo n'yang balat, para s'yang perpektong sculpture na gawa sa metal, para s'yang naging human metal!
"Wag ang ate koooo!"
Dahil siguro sa pagkamangha at pagkagulat hindi agad naka-galaw ang dalawang kalaban.
Bigla na lang tumakbo si Conan papalapit sa dalawa.
"Conan!"
Binangga n'ya ang dalawa ng sabay, nadala n'ya ang dalawa hanggang sa maitulak n'ya sa sementedo naming kusina hanggang sa tumagos sila ro'n, sirang-sira ang pader ng kusina namin dahil sa ginawa ng kapatid ko.
Ilang segundo kong naka-tayo bago ko binitawan ang kutsilyong hawak ko, dahil ba 'to sa pagkakahilo ko kaya kong ano-ano nakikita ko? Imposible!
Dahan-dahan akong naglakad at lapitan ang malaking butas, mula sa kinatatayuan ko, 'yong dalawang kalaban ay walang malay na nakabulagta sa lupa, habang ang kapatid kong si Conan ay naka-tayo pa rin, kitang-kita ko kong pa'no na naman s'ya bumalik sa dati, binaling n'ya ang ulo sa direksyon ko.
Totoo ba 'to? Hindi pwedeng maging isang Null si Conan!
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
Chapter 7
Start from the beginning
