Napaawang ang labi ko sa pagkabigla nang banggitin n'ya ang pangalan ko, pa'no n'ya nalaman?

"Ano ba ang hindi ko maintindihan?"

"Nagtatago kami sa gobyerno, ayaw na naming bumalik sa kanila, pero na uubusan na kami ng pagkain at supply, nong araw na tinulungan ka ni Quinn naghahanap kami ng pagkain nu'n, syempre instinct na namin na tumulong sa iba, pero dahil sa tinulungan ka ni Quinn na bulilyaso ang plano namin, gusto ko lang na tulungan mo kami pabalik by giving us foods and supplies just once and then magpapakalayo na kami at iisipin naming hindi mo kami nakita at hindi ka namin nakilala," paliwanag ng lalaki.

What? No way! I can't help them, I promised myself na hahanapin at papatayin ko ang isa sa kanila, bakit sila hihingi ng tulong sa'kin?

"It's because alam naming tutulungan mo kami."

"What?" Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto ako, "are you reading my mind? Stop doing that!" Tumayo ako sa galit at umalis sa kama, nagulat sila sa naging reaksyon ko, "don't use your power over me! Wala kayong mapapala sa'kin at kahit na kalian hinding-hindi ako tutulungan sa katulad ninyo! Dapat nga mawala na kayo rito! Mas matatahimik pa ang buhay ko!"

Dumiretso ako sa pintuan at buksan 'yon, paglabas ko bumungad sa'kin ang railings na bakal at maliit na hallway, do'n ko napagtantong nasa isang maliit na motel kami, what the heck? Bakit nila ako rito dinala?

Nagmadali akong bumaba sa bakal na hagdan, hindi nila ako pinigilan, mabuti nga 'yon, ayoko na uli silang makita, hindi pa ako nakaka-layo sa parking lot nang huminto ang tatlong itim na kotse sa harapan ko kaya natigilan ako sa puwesto ko, sabay-sabay nagbukas ang pintuan at biglang lumabas ang mga taong naka-sakay do'n.

Aalis na sana ako nang huminto ang tatlong lalaking naka-black suit at papasa nang men in black. 'Yong ilang lalaki patungo sa motel at huminto ang limang lalaki sa pintuan ng silid do'n sa nilabasan ko kanina.

Sinipa ng isang lalaki ang pintuan at nasira, isa-isa silang pumasok do'n pero wala man ilang segundo nang magtalsikan ang mga lalaki palabas at may kakaibang ilaw, no, parang sparks ng kuryente, bumagsak sila sa lupa galing sa ikalawang palapag.

Napasulyap ako sa dalawang lalaki nang hawakan nila ako, nanlaki ang mga mata ko sa gulat, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, ano na naman bang nangyayari? "Bitawan ninyo ako! Bitaw!" Pagpupumiglas ko sa kanila pero hindi nila ko binibitawan.

Napakabilis ng pangyayari, dumarami ang mga lalaki papunta ro'n sa loob ng motel, may ilang tao ang nagsisilabasan galing sa motel, may ilang nagtatakbuhan na naka-tapis ng tuwalya at ang ilan ay kumot.

"Bitawan ninyo ako!"

Ipapasok nila ako sa itim na van pero bago pa man nila magawa 'yon, bigla na lamang tumalsik ang kotse at tumilapon sa malaking puno.

Bigla na lang ako binitawan ng isa sa kanila, may lalapitan sana s'ya pero mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang magulat ako na bigla s'yang naging yelo at tumigas sa kinatatayuan n'ya.

Nabitawan akong tuluyan, napayuko at tinakman ko ang ulo ko nang may maghampas ng tubo sa lalaking naging yelo, inilagan ko ang mga nagtalsikang yelo sa'kin, pag-tingin ko sa isang lalaking naka-itim bagsak na lupa at naroon ang babaeng inosente.

"Halika na! Dali!" Sigaw ng lalaking highlighted ang buhok sa tabi ko.

Bigla na lang akong hinatak nung babaeng inosente, pero nabitawan n'ya sa sunod-sunod na putok ng baril malapit sa'min, pagtingala ko naka-tayo malapit sa'min 'yong lalaking matangkad at may seryosong mukha.

Naka-tutok ang mga palad n'ya sa direksyon ng mga kalaban na humahabol sa'min, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naka-lutang ang mga bala sa eri na halos malapit na sa'min, s'ya ba may gawa nu'n? Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kakayahan nila.

Nagulat ako sa malamig na kamay na humawak sa'kin, 'yong highlighted na lalaki hila-hila ko at sobrang lamig ng kamay n'ya na para bang galing sa freezer.

"Halika na! Kaya na ni Quinn 'yan!" Sabi n'ya.

Nang maka-lapit kami sa isang lumang yellow-green Volkswagen, pinagbuksan n'ya ko at halos itulak n'ya ko papasok, kamuntik pa akong subsob sa sahig, sasapakin ko ang lalaking 'to mamaya.

Na ro'n ang babaeng may pulang buhok sa driver seat at s'ya ang nagmaneho, na ro'n na rin 'yong lalaking naka-specs sa front seat sa gitna ng nangyayari, kalmado pa rin ang mukha n'ya. Sumunod pumasok 'yong inosenteng babae at 'yong dalawang lalaki.

Pinaharurot nong babae ang kotse, naririnig pa rin namin ang ilang pagtama ng bala sa sasakyan, napaupo ako at hingal na hingal, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, isa-isa ko silang tinignan na naka-tingin din sa'min.

Ano ba 'tong napasok ko?

Project NullМесто, где живут истории. Откройте их для себя