Special Chapter: Crossover Part II

Start from the beginning
                                    

"Parang supernatural ganun?"-Sagi

"Oo, sa panahon kasi namin ay talaga namang napakamoderno na, na tipong maging ang kakayahan ng utak at pag-iisip ng mga tao ay kakaiba na rin. May telekenesis, teleportation, magpalutang nga mga bagay, maghanap gamit lang ang isip at iba pang kakayahan na isip lang ang gamit. Dahil na rin sa evolution kaya nagkaganun, normal na lang ang makakita ka ng mga taong may kakaibang kakayahan."-Dugtong pa ni Flaire.

"Grabe naman, sa panahon naming ito ay ang mga ganung bagay ay talaga namang kamangha-mangha at kung minsan ay di masyadong pinaniniwalaan. Teka, diba sabi mo ay teleportation? Kaya nyo din bang gawin yun? Para makabalik kayo sa panahon ninyo."-Sagi

"Wala kaming ganung kakayahan eh. Element lang talaga ang gamit namin. Si Aaron lang dito sa amin ang may ganoong kakayahan. Kaya nyang maging invisible, magpahinto at magpalutang ng mga bagay."-Sky

"Eh? Kung ganun ay ikaw ang may kagagawan ng paghinto ko kanina kaya ako tinamaan ng malaking lupang kamao?!"inis na tanong ni Sagi.

"Hehe, sorry naman! Akala ko kasi kalaban ka eh." napapakamot sa ulong sabi ni Aaron.

"Sabagay, akala ko ay kalaban din kayo. Pasensya na nga pala sa ginawa ko kanina, lalo na sayo Ms. Mizuri." awkward na sabi ni Sagi.

"Hehe ayos lang, kami nga ang dapat magsorry kasi pinagtulungan ka namin." nahihiyang sabi ni Mizuri.

"Speaking of kalaban? Ano nga palang klase ng mga nilalang ang mga kalaban mo kanina?"-Rockie

"Ah, yun ba? Mga kakaibang nilalang na may kakayahan ding gumamit ng nga elemento. Mga dyosa o mga nature spirits na gustong masira ang kalikasan at magkaroon ng rebirth."

 

"Rebirth?"-Rockie

"Dahil sa kagagawan ng mga tao ay nasisira ng tuluyan ang kalikasan. Ang misyon naming mga dyosa at mga meister ay ibalik ang balanse ng kalikasan at mapanatili ang buhay sa mundo. Ang mga kalaban namin ay naniniwala na dapat lang ang mga nangyayaring mga kalamidad upang tuluyan ng masira ang kalikasan at magkaroon ulit ng panibago gamit mismo ang kanilang mga elemento."

 

"Teka, para na rin nilang sinabing katapusan na ng human race."-Mizuri

"Ganun na nga. Kaya dapat namin silang pigilan dahil gamit ang kanilang mga kapangyarihan ay pinapalala nila ang mga kalamidad para mapadali ang pagkasira ng kalikasan."

 

"Pareho pala tayo ng misyon."-Sky

 

Samantala, kasabay din ng oras ng pag-uusap nila Sagi at ng mga Elemental warriors...

"Kawawa naman si Sagi, wala na syang ibang ginawa kundi ang mag-ensayo at makipaglaban sa mga kakaibang nilalang." malungkot na sabi ni Leo. Pauwi na sya ngayon ng bahay dahil tapos na syang mamili. Wala na rin syang planong mamasyal dahil wala naman si Sagi.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now