Chapter 12: Comfortable

Start from the beginning
                                    

"Maraming salamat, Leo."

"Uhm! Pero pwede bang ipaliwanag mo kung anong nangyari?"

"Ahh. Binigyan ng mga kalaban si Sagi ng isang pagbati."

"Pagbati?!"-Sagi/Leo

"Oo, pagbati pa lang yun. Wala pa iyon sa mga magiging laban sa mga susunod na araw."

"Kung ganun...kumilos na sila. Papatayin ba talaga nila si Sagi?"-bakas ang takot sa tinig na sabi ni Leo

"Gagawin nila lahat para makuha ang gusto nila. Pero wag kang mag-alala Leo, poprotektahan ko si Sagi." pagsisigurado ni Lilian.

"Pagbati pa lang yun? Muntik na nga akong matuluyan kanina eh!"

"Paanong hindi ka matutuluyan eh ang tigas kasi ng ulo mo! Ayaw mong bantayan kita eh hindi mo naman sinuot yung kwintas na binigay ko. Buti na lang talaga at umabot ako."

"Kwintas? Di'ba palagi mo naman yung suot Sagi?"-Leo

"Eh..hehe nakalimutan kong suotin kanina." napakamot-ulong sagot ni Sagi.

"Ano ka ba naman Sagi, paano nga kung hindi umabot si Lilian kanina? Eh 'di..." napayuko naman si Leo at hindi na tinapos pa ang kanyang sasabihin.

"Eh, Leo. Ayos lang naman ako eh. Promise hindi na yun mauulit! Makikinig na talaga ako kay Lian. Wag kang mag-alala dahil walang mangyayari sa akin na masama."-napatayo si Sagi sa kanyang upuan at lumapit kay Leo.

"Dapat lang na makinig ka! Paano ko maipapaliwanag kay Tita na may nangyari sa'yong hindi maganda!"-Leo

"Hehe...sorry."

"Simula ngayon ay wala ka nang magagawa, babantayan kita saan ka man magpunta Sagi. Hindi lang para sa kaligtasan mo kundi para sa din sa lahat at sa kalikasan. Hindi ka pwedeng mamatay."

"Hindi ako mamatay 'no!"

"Talagang hindi, at hindi dapat! Dahil kapag nangyari yon ay mababale-wala ang lahat. Kahit magising pa ang ibang mga dyosa at ang kanilang mga meister, kung wala ka naman ay hindi makokompleto ang kapangyarihan para sa gagawing barrier ng kalikasan."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now