Chapter 8: Watchful eyes...Uneasiness

Start from the beginning
                                    

"Kikilos na po ba ako?"

"Wag muna. Masyado ka namang atat Procyon. Gusto ko munang makilala ang batang ito at alamin kung anong meron sa kanya at sya ang napili bilang Water Meister."

"At isa pa. May ibang bagay pa akong dapat na higit pagtuunan ng pansin." ngumiti pa ito ng makahulugan. Mga ngiting may kakaibang binabalak.

------------

Nanunuod ngayon ng balita sa telebisyon ang tatlo. Kakatapos lang nilang maghapunan.

"Ano ba naman ang mga balita ngayon, wala ba silang maibabalita na magaan-gaan? Lahat na lang puro kaguluhan at patayan." malungkot at dismayadong tugon ni Sagi.

"Meroon namang magaan ah. Yung mga nakakatuwang video ng ice bucket challenge pati na din yung hindi daw pusa si Hello kitty." pabiro namang tugon ni Leo

"Sira, haha hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh."

~~patuloy pa ding binabantayan ng PHILVOCS ang bulkan. Sa ngayon ay nananatili pa rin ito sa alert level 3...~~

Nagkukwentuhan ang magpinsan tungkol sa mga nakakatawang comment ng mga tao tungkol sa balitang hindi pusa si Hello kitty. Nagtatawanan pa sila ng mapansing tahimik at tila seryosong nakikinig sa balita si Lilian.

"Hmmm? Ano'ng nangyari sa'yo diyan?"-Sagi

"Lilian meron bang problema?"

"Ang kalikasan...nagpaparamdam na naman ito. Patunay na ang nangyayari ngayon dyan sa bulkan sa balita. Humihina na nga ang proteksyong nilagay namin sa kalikasan isang daang taon na ang nakalilipas. Patuloy tuloy ang pagkawala ng balanse ng mga nilalang at ng buhay sa daigdig." malungkot na wika ni Lilian. Para ngang sa sarili nya ito sinasabi at hindi sa dalawa.

"Ang kalikasan tuluyang nawawala ang balanse?"-Leo. Tumingin naman sya kay Sagi ngunit nakayuko lang ito.

"Sa oras na ang mga kalaban ay kumilos na. Siguradong pakikialam nila ang natural na estado ng bulkan. Maari nilang pabilisin o palalain ang kalagayan nito. Puputok ang bulkan at siguradong maraming mapipinsala."

"Ano? Kaya yung gawin ng mga kalaban ninyo?"

"Oo. May kakayahan din kasi silang kontrolin ang mga natural na elemento."

"Ang sama naman nila. Bakit nila ginagawa ang mga bagay na iyon?"

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now