Chapter 5: How do I call this day?

Start from the beginning
                                    

"I-Ikaw na naman? Bakit ba bigla bigla ka na lang nagpapakita? Sinusundan mo ba ako?"

"Kailangan eh. Ikaw ang Meister ng kapangyarihang hawak ko kaya normal lang na siguraduhin ko ang kaligtasan mo. Siguradong alam na rin ng mga kalaban ang tungkol sa'yo at anumang oras ay maaari silang gumawa ng hakbang para tapusin ka."-Lilian

"Meister at mga kalaban? Nahihibang ka na talaga! Pwede bang lubayan mo na nga ako. Kahit ano pang sabihin mo ay di ako maniniwala. Kalokohan lang ang mga iyan!"

"Bakit ba nakapatigas ng ulo mo? Ano pa bang paliwanag ang kailangan mo? Ikaw mismo sa sarili mo ay naniniwala masyado ka lang takot na aminin yun!"

"Tumahimik ka! At wag mo na akong sundan!" tumakbo na si Sagi palayo kay Lilian, sumasakit na talaga ang ulo nya. Naiinis din sya dahil pakiramdam nya ay tama ang sinabi ng babaeng yun tungkol sa kanya. Natatakot nga lang ba talagang syang aminin sa sarili na naniniwala at tinatanggap nya ang mga sinasabi ng babae?

"Ang hirap namang kumbinsihin ng isang yun! Mahaba-habang pasensya ang kailangan ko. Ganito ba talaga ang kabataan ng panahon ngayon? Pakiramdam ko tatanda ako sa Sagittarius na iyon kahit hindi na ako tumatanda eh"-Lilian

Patuloy sa kanyang pagtakbo si Sagi, walang lingon likod at nakayuko pa. Hindi nya tuloy napansin na may makakabunggo na pala sya.

"Aray!"

"O-ouch!"

Isang babaeng may dalang mga libro ang nabunggo nya. Napaupo pa ito sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabunggo sa kanya.

"Naku miss, sorry ha? Hindi ko sinasadya" hinging paumanhin ni Sagi sa babae. Sya na rin ang pumulot sa mga nahulog na libro. "May tinatakbuhan kasi akong makulit na babae kanina eh. Pasensya na talaga ah?"

"Ikaw si Sagi diba?" tila nahihiwagaang tanong ng babae.

"Ha? Kilala mo ako?" tinulungan na din nya ang babae na tumayo.

"Ah...eh ka-kasi taga Alstreim Academy din ako. Sikat ka kasi sa school dahil isa ka daw sa mga running for valedictorian." paliwanag ng babae

"Ah...ganun ba hehe. Hindi ka nga lang pamilyar sa akin."

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now