Chapter 2: Hallucinations

Start from the beginning
                                    

Sagittarius...

Nang tuluyang makapag-adjust sa liwanag ang kanyang mata ay dun nya nakita ang magandang babaeng nakatingin sa kanya. Bahagya pa itong nakayuko upang pumantay sa lebel ng kanyang mukha. Tulad ng una nilang pagkikita ay napaka-amo pa rin ng mukha nito. Ang pagkakaiba lang ay nakangiti itong nakatingin sa kanya.

"Ikaw?... Sino...ka ba?" Inaantok pa nyang tanong

Sa halip na sumagot ang babae ay itinaas nito ang kanyang palad at hinaplos ang kanyang mukha. Dun na sya tuluyang nagising.

"Ha?! Ano yun? Panaginip...na naman?!"

Paggising nya ay wala na ang babae. Nagpalinga-linga pa sya sa paligid para makumpirma kung wala na nga ba ito.

"Gising ka na pala. Malapit ng magsimula ulit ang susunod na batch ng exam nyo ngayon." biglang sabi ng nurse ng mapansing gising na sya.

Wala na syang nagawa kundi ang bumangon. Kinansela na din nya ang alarm sa phone nya. Bago tuluyang umalis ng clinic ay hinawakan pa nya ang pisnging kanina ay hinaplos ng babae.

"Ang lamig naman."

-------------------------

Alas tres palang ng hapon ay pinauwi na sila. Bukas na lang daw ang exam para sa iba nilang subject. Dahil maaga pa naman ay naisipan muna nila Leo at Sagi na mag-grocery. paubos na din kasi ang suplay nila sa bahay tutal din naman at nakapagpadala na ng budget ang kanilang mga magulang.

Hindi naman maiwasan na mag-alala ni Leo para sa pinsan. Nang bumalik kasi ito kanina mula sa clinic ay hindi na nga ito inaantok pero tila naman wala sa sarili. nararamdaman nyang may kakaibang nangyayari sa pinsan pero hindi lang nito sinasabi sa kanya.

------------------------------

"Sagi, ano pa bang kulang natin sa bahay?"

"Hmmmm. Shampoo, toothpaste, sabon, dishwashing, blah blah blah...mukhang kumpleto na iyan. Dun naman tayo sa Meat section."

"Sige."

Naunang naglakad si Leo habang tulak tulak naman ni Sagi ang cart.

Pumipili na sila ng bibilhin ng mapansin ni Sagi ang pamilyar na anino ng isang babae.

"Teka! Sya yun ah!"

"Sagi, anong lulutuin natin mamaya for dinner?"

"Wait lang Leo ah, may nakita lang ako. babalik din ako agad" at tumakbo na nga sya paalis. Napakamot naman ng ulo nya si Leo, hindi man lang yata kasi narinig ng kausap ang tanong nya.

Patuloy sa pagtakbo si Sagi. Nagbabakasakaling maabutan pa nya ang babae. Di naman sya nabigo dahil nakita nya ito sa kabilang parte ng kalsada na naglalakad. Agad nyang tinawid ang kalsada ngunit naharangan naman sya ng iba pang dumadaan kaya nawala sa paningin nya ang babae. Pagdating nya sa pwesto kung saan nya huling nakita ang babae ay wala na ito. Naglakad pa sya hanggang sa marating nya ang central plaza.

"Arrrgggg!! Kainis! Nasaan na iyon? ang bilis naman nyang mawala" napahilamos pa sya sa mukha sa sobrang frustation.

"Haaayyyyyst! Bakit nga ba kasi hinabol ko pa iyon?! Nasisiraan ka na nga, Sagi. Ano bang paki mo sa babaeng iyon?! Masyado kang nagpapaapekto sa isang bagay na hindi ka naman sigurado!"

Nasisiraan na nga siguro sya, kinakausap ang sarili sa gitna ng plaza. Saka lang din nya napansin ang isang batang babaeng nakatingin at parang nawiwirduhan sa kanya. Malamang, sumisigaw sya mag-isa eh.

"Uhmmm. gusto mo ng kendi bata?" alok nya rito ng kending kinuha nya sa bulsa

"Baka!" tumakbo ang bata palayo sa kanya at di man lang kinuha ang kendi sa kamay nya.

"Akala ko ba mahilig sa kendi ang mga bata. TSK! tignan mo na Sagi! pati yung bata tinawag ka nang 'idiot' dahil sa kapraningan mo!"

"Dapat talaga kalimutan ko na iyon eh. Baka dala lang ito ng imahinasyon at stress. O kung di naman, baka isa lang din ang babaeng yun sa mga nagkakagusto sa akin at simpleng dumadamoves lang" sabi nya sarili with conviction.

"Naku patay!! Nasaan na ba ako? ang layo na ng narating ko ah. Iniwan ko pa si Leo dun sa Grocery store! Tsk!" nagmamadali na nga syang tumakbo pabalik sa Grocery store kung saan nya iniwan ang kanina pa naiinip sa paghihintay na si Leo.

---------------------------

Dedicated sayo Ansha.

Request granted :) salamat sa pagbabasa

Lovelots

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now