Lady of the Blue Moon Lake

16.7K 408 23
                                    

Sa isang siyudad, naroon ang isang mahiwagang lawa.

Nagtatago ito sa itaas ng bundok. Nababalot ng nagtatayugang mga puno at mahalimuyak na bulalak ng Peony, Lily of the valley at Lilac.

Tinaguriang Blue moon Lake ang nasabing lawa sapagkat kapag sinilip mo ang repleksyon ng buwan sa lawa ay kulay asul ang kulay nito. Yun ay dahil sa mayroong mga bato ng saphire, turquoise at aquamarine sa pinakailalim ng lawa.

Ngunit...

Hindi batid sa kaalaman ng iba na ang lawang ito ay nagtataglay din ng isang lumang alamat.

Sinasabi na sa pagsapit ng gabi ng Blue moon, ang panahon kung kailan dalawang beses nagaganap ang full moon sa isang buwan, sa oras na tumama ang sinag ng liwanag ng buwan sa lawa ay lalabas mula rito ang isang napakagandang binibini.

Pinaniniwalaan na sya ang dyosa ng lawa. Ang kung sino man na makakakita sa paglabas ng binibini ay gagantimpalaan ng kahilingan o kapangyarihan.

Marami ng sumubok kung totoo ba ang alamat, ngunit lahat sila'y nabigo.

Totoo nga ba ang alamat ng binibini sa lawa?

Lady of the Blue Moon LakeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα