EPILOGUE

2.2K 96 57
                                    

EPILOGUE


********


Oh, sa mga tinambay lang to sa library nila at hinihintay na mag update ako ng epilogue, pwede na kayo magumpisang magbasa! hahahaha di na kayo mabibitin dahil huling episode na to heheh. 


Sa mga piniling maghintay palagi, saludo ako sainyo at nakaabot kayo dito heheh 


Dahan dahan sa pagbabasa please heheh enjoy~ 



[3rd Person's PoV]



*********



[Sir, Confirmed. Patay na ang lider ng Vendetta]


Napapikit nalang si Heneral Tresler sa narinig niya sa kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya na para bang isang napaka laking tinik sa dibdib niya ang natanggal. 

"Sa wakas." 


***


Matapos ang labanan sa pagitan nina Virgel at Morpheus, tuluyan na ring tinapos ng mga iilang sundalo ang mga natitirang kalaban sa buong lugar ng Orquieta. Napabagsak na rin nila ang doktor at ang buong kuta nito kaya tuluyan ng nawalan ng ulo ang mga ito at pumabor na ang sitwasyon sa hukbo ng Gobyerno. 

"Panalo tayo.." Napahiga nalang si Dante habang tinataas ang kamay "Panalo kami." Di niya maiwasang matuwa dahil sa wakas, nabayaran rin lahat ng sakit at pagod na inalay nila para sa gyerang 'to. Pati ang iilang Armada ay napapikit nalang nang makita ang pagbagsak ni Morpheus. 

Sobrang lapit na sila sa pagkatalo kanina. Napatingin ang iilan kay Virgel na nag iisa at huling nakatayo sa kanilang lahat. Pero dahil sa batang 'to, nabaliktad nila ang sitwasyon. 

"Natapos rin.."

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang mga iilang sundalo para tulungan ang mga napuruhang Armada. Sinakay agad sa stretcher sina Ikram, Sin at Nica na parehong walang mga malay. Ganun rin si Ginger dahil sa nabaling braso nito. Habang ang natitira naman ay pinili nalang ang manatili.

"Gusto ko ng juice." Utos ni Dante sa isang sundalo nung lumapit ito sakanya. 

"Pero sir wala--"

"Yung malamig!" 

"O-opo." Dali dali nalang umalis ang sundalong yun para maghanap ng maiinom. Di sila makahindi sa gusto ng mga Armada dahil sila ang tinuturing na bayani ngayon dahil sa pinamalas nila.

May mga lumapit naman na iilang sundalo sa gawi ni Loda para hulihin na  ito. Di naman na ito pumalag at siya na mismo ang naglagay ng kamay niya sa likuran. Isa sa mga humuli sakanya ay si Ryan. "Maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ko kanina." Di malilimutan ni Ryan ang ginawa nitong pagpulupot ng kadena sa kamay ni Eus kanina para makatakas siya. Kahit isang Vigilante ang isang 'to, parang ang inosente ng mukha nito habang nakangiti ng bahagya sakanila.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now