Episode 24 : Ardanos (Side Story)

1.7K 83 30
                                    

Episod 24 : Ardanos (Side Story)


( Check niyo yung nasa media :) Ang totoong anyo ng Vendetta :) Sorry wala masyadong pic yung ibang vendetta, di kasi masyadong sikat yung mga portrayer nila hahaha )

Emilio Benedetto as Ermac

Sig as Quincy

Debito as Devi

Striker as Morpheus

Beretta as Jill

Marco Adriano as Loda

Colt as Ross



*******


[3rd Person's PoV]


-Flashback-


Habang naglalakad ang isang may kalakihan at bruskong katawan na lalaki na nakasuot ng hoodie bitbit ang isang briefcase ay saglit itong napahinto sa may tapat ng isang poste. Nilingon nito ang isang nakadikit na papel na may larawan ng tatlong lalaki.


Kinuha niya ito at tsaka malapitang tinignan. Bahagya naman itong napangiti sa nakita niyang pabuya sa ibaba ng mga litrato ng tatlong lalaki. Sampung Milyong piso. Ito na ata ang pinaka malaking pabuya na inalok ng Gobyerno para sa isang grupo ng kriminal dito sa bansa.


Matapos niya itong tinignan ay agad niya itong tinapon at tsaka muling naglakad. 


Nang lumiko ang lalaking yun sa kaliwang daan ay saka naman dahan dahang tumingin ang isa pang lalaki na nakasunod sakanya kanina pa.


Dahan dahan itong naglakad at agad ring lumiko doon sa dinaanan nung sinusundan niya. Pero sa pagliko niya, mabilis na lumaki ang dalawang mata niya nung makita niyang nasa harap na niya ito na sobrang laki ng ngisi ng labi.


Susubukan pa sana niyang bumunot ng baril pero mabilis itong nasalampak sa pader nung suntukin ang mukha niya at mabilis pa na nilock ang leeg niya at tsaka hinigpitan ng husto. "Akala mo di ko alam na kanina mo pa ako sinusundan?" Nakangising usal nito habang siya naman ay panay kapit na sa braso nito dahil nasasakal na siya. "Arrrkkk" Kung saan saan na napupunta ang kamay niya dahil sa kagustuhang kumawala. 


"Pang limangpu't dalawa kana sa mga espiya na pinapadala ng mga pulis para lang maligpit kami." Usal pa nito. "Pero sa kasamaang palad wala ni isa ang nagtatagumpay sainyo." Tumawa pa ito ng mapang asar habang walang humpay na hinihigpitan ang paglock nito sa leeg ng lalaki.


"S-sumpain kayo!!" Buong pwersang sigaw ng espiya na ikinawala ng pagtawa ng sumasakal sakanya.


Sa isang iglap ay bumaliktad ang ulo nito dahil sa malakas na pagpilipit ng lalaking yun. Nung matumba ito ay kinuha pa nung lalaki ang baril na tumilapon kanina at tsaka binaril ito ng tatlong beses sa ulo para makasiguro.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now