Episode 7 : Behind this Curse (Part 1 )

1.9K 112 29
                                    

Episode 7 : Behind this Curse ( Part 1 ) 


( A/N Pakitingin po sa media. Sila ang portrayer nina Steph at Nica :)  Sina Reisi Munakata at Seri Awashima ng anime na K Project. Ang sexy ng portrayer ni Nica hahahah ena, search niyo xD )


( Again pasensya na at pinalitan ko na naman ang title at cover hahahaha promise last na 'to. Final na ang title na 'to xD Btw short update lang to :) Sorry sa typo and errors )



********


[ 3rd Person's PoV ]


Matapos gamutin ni Elsa ang braso ni Virgel ay agad na niya itong nilagyan ng bandage para matakpan ang sugat nito. "Okay ka na Boss?" Tanong ni Ish. Lahat sila ay nasa harapan ni Virgel ngayon at bakas sa mga mukha nila ang pag aalala dahil medyo malaki ang sugat na natamo niya kanina.


"Pasensya kana Boss, dahil sakin kaya nasugatan kayo." Malungkot na singit ni Lily. Ngumiti naman si Virgel at saka mahinang pinat nito ang ulo niya. "Okay lang yun, Lily. Ang importante ay walang masamang nangyari sayo."


"Ayos ka lang ba talaga, Boss? Baka mamaya nagpapanggap ka lang na hindi ka nasasaktan jan." Panigurado ni Kael. Hinawakan naman ni Virgel ang braso niyang nakabandage at tsaka mabilis na nawala ang ngiti nito.


"Alam niyo, hindi dapat ako ang iniintindi niyo ngayon eh." Sagot niya habang nakadungo. "Yung sakit ng sugat ko, walang wala lang 'to sa nararamdaman ni Benz ngayon. Siya yung mas may kailangan ng tulong samin ngayon." Malungkot na dagdag nito. Napahawak nalang siya sa noo niya habang nakadungo dahil sa disappointment nito sa sarili. " At wala man lang akong magawa bilang Boss niya para tulungan siya." Alam niya yung nararamdaman ni Benz ngayon. Yung tipong natatakot na baka makasakit ng iba. Alam niyang gulong gulo na ang pag iisip nito ngayon dahil sa nangyari. Pero heto, di man lang niya ito kinausap. Hindi niya din kasi alam ang sasabihin niya. Natatakot siya, natatakot siya na baka imbes na mapagaan ang loob nito eh mas lalo pa niyang mapalala ang sitwasyon.


Mahina namang tinapik ni Ish ang balikat ni Virgel. "Wag kang mag alala, Boss. Tinawagan ko na ang ama mo para sa problema natin ngayon. Magiging okay din ang lahat." Sabi nito. Pupunta si Vlademir sa mansyon kaya kailangan nilang paghandaan ang pagdating nito.


Tinignan naman saglit ni Virgel si Helena na nasa gilid ng couch na tahimik at parang wala sa sarili na nakaupo. Kalaunan ay lumapit sina Elsa at Lily dito para pagaanin ang loob dahil alam nilang pati ito ay nahihirapan na rin sa sitwasyon ngayon.



Sana nga maging maayos na ang lahat.



*******


FUEGO'S MANSION


"Aalis kayo, Head Boss?" Tanong ni Veronica nung makita niya itong pababa na naka bihis ng suit. "Bibisita lang ako saglit sa kabila." Sagot nito. Nakasunod naman sa likod niya si Asher na mukhang sasama sa pag alis nito. Ngayong wala na si Argo, si Asher na mismo ang nagmistulang kanang kamay ngayon ni Vlademir. 

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now