Episode 20 : Anger and Sorrow

1.9K 99 18
                                    

Episode 20 : Anger and Sorrow 


(Plano kong palitang yung portrayer ni Argo hahaha gusto kong ipalit si Itachi since kay Itachi talaga inspired yung kwento niya hahaha Okay lang ba yun sainyo? :) )


(Sorry mejo antagal ng update :))


**********



[Ish's PoV]


Bukas na ililibing sina Boss Vlad at Sebastian. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang pag atake ng mansyon, at ngayon lang ulit namin nakita ang pinsala nito. Sa mansyon ng Fuego kasi kami tumutuloy nitong mga nakaraang gabi.


Habang tinitignan ko kung gano kawasak ang mansyon ay di ko maiwasang di magluksa pa lalo.


"Di ko akalaing ganito pala kalaki ang pinsala ng mansyon" Sabi ni Elsa sa tabi ko. Kaming tatlo lang ni Hell ang pumunta dito dahil yung iba ay nasa Chapel. "Matatagalan pa bago maayos ang mansyon na'to." Patuloy niya. Tama siya, siguradong aabutin pa to ng buwan bago mabalik sa dati ang ganda nito.


"Sa mansyon ng Fuego ba muna tayo maninirahan pansamantala?" Tanong ko na sinagot agad ni Hell.


"May sariling myembro ang mansyon na yun. Di tayo pwedeng sumawsaw"


"Eh ka alyansa naman na natin sila eh" Sabat naman ni Elsa.


"Di pa rin pwede."


"Eh saan tayo titira ngayon?"


Napaisip ako saglit sa tanong ni Elsa. Nagkatitigan kami saglit ni Hell at mukhang parehas kami ng iniisip sa mga oras na'to.


Mukhang kailangan na naming bumalik sa mismong pugad naming lahat.


"Si Boss kumusta na? Di pa rin ba nagsasalita?" Biglang pag iiba ni Elsa nung mapansin niyang di kami sumagot sa tanong niya. Bigla akong natigilan sa pag iisip ko sa tanong na yun.


Tatlong araw na ang lumipas pero wala pa din sa katinuan si Boss. Hindi sumasagot kapag kinakausap o pag tinatanong. Lagi nalang namin siyang nahuhuling tulala. Bumabalik na naman ang lahat.


"Bigyan lang natin siya ng panahon para tanggapin ang nangyari sa ama niya." Sagot ko nalang. Masakit man ang katotohanan pero kailangan na naming tanggapin ang mga nangyari.


"Si Virgel lang ba ang napapansin niyong parang wala sa katinuan?" Biglang tanong ni Hell kaya napalingon kami ni Elsa sakanya.


"Anong ibig mong sabihin?"


VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ