Episode 36: Take care of them, Boss

1.8K 76 55
                                    

Episode 36 : Take care of them, Boss



**********


Bukas ko na to i edit. Sorry kung madaming errors hahah antok na ako. Tamo title ko ang weird na HAHAHA wala na akong maisip hays


*********


[3rd Person's PoV]



"M-morpheus.." 


Saglit na tinignan ni Hell ang katabi niya na ngayon ay tulalang tulala habang tinitignan ang panibagong Vigilanteng nakapasok sa loob ng gate ng mansyon nila, tapos ay binalik ulit ang tingin sa nasa harap nila.


"Siya pala ang Morpheus na laging naririnig ko sa bukambibig nito"  Pagtutukoy nito kay Ish


Pati mga tauhan ay di rin nakaimik matapos nilang masaksihan kung pano tapusin ng taong 'to ng ganun kadali ang babaeng pinagtulungang patumbahin ng tatlong Assassin ng Virgo. Ewan pero nakakalambot ng tuhod ang presensya ng taong 'to. Lalong lalo na ang titig at ngisi na pinupukol ngayon sa Boss nila na ngayon ay nakipag titigan rin sa may balconahe.


Kinuha ni Morpheus ang sandata niyang Karit (Scythe) at tsaka inakay sa balikat niya. Isang tao lang talaga ang pinag uukulan niya ng pansin ngayon--ang Boss ng Virgo.


"Isang lahi nalang ang natitira sa pamilyang pinagmanahan ng matandang yun." Wika ni Eus habang nakangisi. "Kailan ko lang rin nalaman na ang pinaka pinag uusapang may malademonyong mga mata sa mundo niyo noon ay patay na." Dugtong nito.


"Ang saklap. Matagal ko ng pinangarap na makaharap ang taong yun. Pero di kami pinagtatagpo ng tadhana." Nanatili lang na tahimik si Virgel pero halata na sa mga titig nito ang pagtitimpi. Lalo pa't pinapaalala pa sakanya ang mga taong importante sakanya. 


"Argo Diamante, Vlademir Acosta, ang mag amang bumalot ng takot sa mundong kinabibilangan niyo sa loob ng mahabang panahon." Lumapad lalo ang ngisi ni Morpheus nang mapansin niyang nanlilisik na ang mga mata ng tinitignan niya. 


"At ngayon akalain mong may isa pa. May isa pa palang Acosta ang susubukang pamunuan ulit tong mundo ng Mafia."


"Alam mo ba kung anong isa sa pinaka ayaw ko?" Tila sila Ish at ang iba pa ay walang magawa kundi ang makinig nalang sa kaharap nila dahil pilitin man nilang sumingit, bibig na mismo nila ang umuurong sa takot ng presensya nito.


"Pinaka ayoko yung nauunahan ako. Lalo na pagdating sa lakas." Pinakiramdaman saglit ni Eus ang kaliwang braso niya na kasalukuyang nakapamulsa. Kumikirot parin talaga. "At para di mangyari yung ayoko, lahat ng nagtatangkang higitan ako binabaon ko sa hukay ng buhay." 


"Kaya kung ako sayo bata, di na ako magtatangka." Nilagay muli ni Eus ang karit niya sa likod at tsaka agad tumalikod. Wala siyang planong makipag laban sa mga oras na 'to dahil sa sitwasyon ng kaliwang kamay niya. Tinaas pa nito ang kanang kamay habang kalmado sa paglalakad. "Yun lang. Pakabait kayo kung ayaw niyong matulad sa nasaksihan niyo kanina." Nagagawa pa nitong magbiro habang natatawa palabas ng gate.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now