Episode 37: The Generals

1.6K 77 23
                                    

Episode 37 : The Generals


****************


So ayon po ano, nagpalit na naman ako ng pangalan hahahaha ako na ulit ngayon si Sin, pero this time, MajorSin na HAHAHA Sorry ang tagal ng UD, sobrang busy lang talaga sa trabaho. Hirap maging sorter sa Cargo King pre. 

At siya nga pala, actually on-hold na dapat 'to kasi aayusin ko pa yung Book 1. At sa mga di pa nakakaalam, hindi na Virgel: The Youngest Mafia Boss title nun. The Son of Vlademir na. Major Editing yung mangyayari dun kaya mejo magulo pa. So yun lang, baka nga talaga On-Hold na muna to after ng episode na 'to. Ang jejemon ng mga naunang chapters sa Book 1 e jusko hahahaha kailangan na talagang ayusin. So yun lang, sana mag enjoy kayo sa episode na 'to :)  


************************


[3rd Person's PoV]


"Ilang tao pa ba ang kailangang mawala bago ka kainin ng sarili mong puot at galit?"


Isang boses ang narinig ni Virgel na ikinamulat ng mga mata niya. 


Takha itong nilibot ang paligid niya dahil nasa isang madilim na lugar siya nakatayo ngayon--at ang tanging nagpukaw ng pansin sakanya ay ang mga nakahandusay na mga katawan sa harap niya na nagkapatong patong pa.


Tinignan niya itong maigi at dahan dahan nalang nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto niya kung sinu--sino ang mga ito.



Kael..Hell, Ish, Elsa..



Halos lahat ng myembro ng pamilya niya ay nandito sa harap niya na naliligo sa mga sarili nitong dugo habang wala ng mga buhay pa.


Mabilis na pinag pawisan si Virgel dahil di ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Gusto niyang magsalita pero ayaw bumuka ng bibig niya dahil sa sobrang pagkabigla. 


Narinig naman niya ang mga yapak ng mga paang naglalakad kaya kinabahan siyang napatingin sa may unahan niya.


Naglalakad lamang ang mga ito hanggang sa maaninag niya ang mga mukha nito. 


Theodore, Maximo..at isang naka pang doktor na suot


Tatlong nilalang ang tumambad kay Vigel na ngayon ay tahimik na nakatingin sakanya. 


"Nag iisa ka nalang ngayon." Meron ulit nagsalita, pero hindi ang tatlong nasa harap niya. Hahanapin niya pa sana ang may ari ng boses na yun pero may isang may katandaang lalaki ang isa pang lumitaw sa kinatatayuan nung tatlo.


Agad namang napalitan ng galit ang kabang nararamdaman ni Virgel sa nakita niya. 


Ang nilalang na 'to..


ang may pakana ng lahat ng kaguluhang 'to..

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon