Episode 13 : Thoughts

1.9K 98 2
                                    


Episode 13 : Thoughts



( Sorry sa typos and errors :) Edit ko nalang )


Pakitingin sa media :) Yukari Mishakuji of K Project as  Aero/Sin Altair of Martin Family




*****


[3rd Person's PoV]



Nang tuluyan na nilang maligaw ang mga humahabol sa kanila ay saglit na muna silang nagpahinga. "Sino ba yung mga humahabol sa inyo?" Tanong ni Asher kay Agnes.


"Hindi ko alam." Agad naman nitong hinawakan ang magkabilang balikat ni Asher "Si  Damdam nasa panganib!" Pag aalala nito habang niyuyugyog ang balikat ni Asher.


"Oh oh, relax laang." Natatawang ganti nito.


"Hinahabol si Damdam ng mga yun! Tulungan natin siya!" Parang naiiyak na ito habang nagmamakaawa kay Asher. Hindi niya kayang may mangyaring masama sa kababata niya. 


"Wag kang mag alala. Magiging ligtas din yung kaibigan mo." Nakangisi lang na sagot ni Asher. Agad naman silang nakarinig ng mga yabag ng paa na papalapit sakanila kaya agad ulit hinawakan ni Asher ang kamay ni Agnes at tsaka ulit sila tumakbo at nagtago.




****



"Pinapahirapan mo pa kaming bata ka." Ngayon ay tuluyan nang nakalapit lahat ng armado sa kinatatayuan ni Damian. Wala na itong takas pa. Di na rin nito magawang gumalaw dahil lahat ng baril ay nakatutok na sakanya.


May kinuha namang selpon yung nagsalita kanina at tsaka nagdial na parang may tinatawagan.


"Ma'am, nahuli na namin yung kasama niyang lalaki...ah.. hinahanap na po ng ibang kasamaha--opo...wag kayong mag alala ma'am." Saglit namang tumingin yung lalaki kay Damian "Anong gagawin namin dito sa batang---...sige, masusunod ma'am." Matapos binaba nung lalaki ang selpon ay agad itong lumapit kay Damian tapos ay malakas nitong sinikmura gamit ang hawakan ng armas niya. Napayuko si Damian dahil dun. 


"Ilabas niyo yan dito sa lugar na 'to." Agad tumalikod ang mga ito para sana bumalik sa dinaanan nila pero pagtalikod nilang lahat ay laking gulat nalang nila nung may isa pang bata dun ang nakatayo at normal na nakatingin sakanila.


Sinilip saglit ni Damian yung nasa harapan nila dahil napahinto ang mga 'to. Mas nagulat ito sa nakita niya. 




Virgel? 

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum