Episode 18 : Traitors
Pakitingin sa media :) Claude Faustus as Ikram and Sebastian Michaelis as Dylan
Guys may tanong ba kayo tungkol sa takbo ng story? Lapag niyo lang at susubukan nating sagutin yan :)
**********
[Felix Sy's PoV]
Ilang tao pa ba ang kailangang masawi?
Ilang mahal sa buhay pa ba ang kailangang magsakripisyo?
Ang sakit malagasan..
-FLASHBACK-
Pano nga ba kami nagkakilalang lima?
Naging magkababata kami dahil ang ama naming apat ay nagtatrabaho dito sa isang malaking mansyon. Minsan may meeting silang gagawin kaya dinadala nila kami sa mansyon nato at iniiwan sa may sala para maglaro.
At heto na naman. Kaming lima na naman ang niwan dito sa sala kasama yung anak ng may ari nitong mansyon dahil nag memeeting silang lahat.
"Asher hehehe ang gwapo ko no? Anong pangalan mo?" Nakita ko yung isang bata na nakikipag usap dun sa anak nitong may ari ng mansyon. At mukhang masayahing bata ito dahil lagi lang itong nakangisi.
"Argo h-hahah" Tumango naman siya sa sagot nito
Sunod naman niyang pinuntahan ay yung isang bata na naglalaro ng laruan na train na kulay gray yung buhok. "Kumusta ka? Ako nga pala si Asher hehehh ano pangalan mo?" Sabi na naman nung Argo. Tumingin naman saglit yung batang naglalaro sakanya pero kalaunan ay binalik rin ang tingin sa train.
"Shebashtian" Narinig kong sumagot yung bata habang naglalaro "Chuchu~brrrrrmmm"
"Argo..Sebastian.."Tango ni Asher tapos ay pumunta na naman ito dun sa batang dilaw ang buhok at tahimik lang na nakaupo sa may couch habang nakatingin lang rin kay Asher.
"Kumustaa. Ako pala si Asher hehehe ikaw?"
"Ah..Elfred. Hehehe" Nakangiti ring sagot nung bata.
"Argo..Sebastian..Elfred.." Parang pilit nitong tinatandaan ang mga pangalan nila tapos ay huli itong tumingin sakin at lumapit.
YOU ARE READING
VENDETTA (BOOK 2) [COMPLETED]
ActionMinsan ng binansagan ang 'Vendetta' bilang kinatatakutang grupo ng mga vigilante noon dahil sa trabaho nilang tagawasak ng bayan. At binubuo lamang sila ng pitong myembro na may mga nakakamanghang kakayahan sa pakikipaglaban dahil sa experimentong g...