TEASER FOR SEASON 3

2.1K 79 68
                                    

TEASER FOR SEASON 3



********


Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas..


May Isang paligsahan ang inilunsad...


Paligsahang pagtatagpuin ang mga pinaka malalakas na nilalang..


"Nandito na tayo.."


kung saan maglalaban laban ang mga kalahok para sa limpak limpak na premyo..


at higit sa lahat..


Pag aagawan nila ang isa sa limang pinaka natatanging bagay sa mundo. Ang Vulture of Death--isang uri ng skulptura na hugis Vulture na gawa mismo sa diamante. 


"HANDA NA BA ANG LAHAAAAAAAAATT???" Sigaw ng host sa kanila na nasa mahabang parisukat na battle arena na nasa gitna ng stadium na 'to. Halos mabasag naman ang buong arena dahil sa lakas ng sigawan ng mga manunood. Punong puno ang lugar at tila sabik na sabik na rin ang mga ito sa paligsahang magaganap. 


Nakita naman ng lahat ang isa isang paglabas ng sampung grupo na naimbitahan sa VULTURE TOURNAMENT sa sampung lagusan na nakapalibot sa gitna ng arena.


Mga grupong may limang myembro na kasali..


Mga myembrong hindi ordinaryo..


Mga taong may kanya kanya ng rason sa pagsali sa laro..



Sa mga grupong sumali..



May mga kilala na ng lahat..

"PINAKA KIKILALA! ANG MGA LALAHOK SA PALIGSAHAN! UMPISAHAN NATIN SA MISMONG GRUPO NA NAGTAYO NG PALIGSAHAN NA 'TO! ANG MARTIN FAMILY Oh mas kilala sila bilang The Children of Celo!" Agad naghiyawan ang manunood. Lalo na nung umabante ang limang myembro nito na mga nakapamulsa lang papunta sa battle arena. "MULA SA MARTIN FAMILY! Dylan Cordova! Ikram Percival! Damian Seraphin! Sin Altair! At Dante Puma!"  Mas lalong naghiyawan ang mga ito nung isa isa na silang pinakilala.

"MULA NAMAN SA PAMILYA NG MGA SAQUIN, ANG ALIBARA MAFIA!" Tawag ng host kaya umabante na rin ang limang myembro nito sa battle arena. "PINAKIKILALA! Vincent del Varya! Baron Fritz! Akasha! Hunter! At..itatawag nalang daw natin siya sa pangalang 'Unknown'" Pagtutungkol nito sa kasapi nilang may takip takip na maskara ang mukha.




May mga bago rin sa paningin ng lahat..

"MULA NAMAN SA PAMILYA FOREST! ANG ELCANA MAFIA!" Tawag nito kaya may isa pang grupo ang umabante. Tatlo sa myembro nito ay lalaki at dalawa naman ay babae. "PINAKIKILALA! Chase Orba! Dell Nostra! Fatima Tresler! Ashley Mortaz at Troy Zarba!" Napasinghap naman si Heneral Tresler na tahimik lang na nanunood sa isang VIP Room. Sumali pala talaga ang apo nito. 

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now