Episode 8 : Behind this Curse (Part 2)

2K 118 8
                                    


Episode 8 : Behind this Curse : Behind this Curse (Part 2)


( Ena ang sipag ko ngayon HAHA Sorry sa typo and errors :)) )


*******************



[3rd Person's PoV]


"Unang araw mo sa kolehiyo ngayon hijo." Natutuwang sabi ni Manang Flora sa alaga niya na kasalukuyan niyang inaayusan ng necktie. "Oo nga ho eh." Nang matapos ang matanda ay agad niyang tinignan ang buong postura ng alaga niya. 


"Abaaa, bagay na bagay sayo ang suot mo." Puri nito. "Parang kailan lang nung unang pagsisilbi ko dito sa mansyon niyo. Napaka bata mo pa noon at ako pa ang nagliligo sayo. Pero ngayon tignan mo, binatang binata na ang alaga ko." Dagdag nito. Napahawak naman sa batok ang alaga niya na medyo nahihiya pa "Manang naman." Natawa ang matanda sa inakto ng alaga niya. 


Sa ganung sitwasyon naman sila naabutan ng ama ng binata. Medyo nagulat ang dalawa nung makita nila itong nakatingin sakanila.


"A-ama." Bati ng anak.


"Nakauwi na pala kayo Sir. Vicenze (Vee-sen--zeh)." Bati rin ni Flora habang yumuyuko. Mabilis namang lumapit si Vicenze sa anak nito bitbit ang napakaseryosong mukha. 


"Totoo ba yung narinig ko sa mga tauhan ko?" Seryosong tanong nito kaya agad kinabahan ang anak nito. "Sumagot ka, Vlad."


"A-anong narinig niyo, ama?" Kinakabahang tanong nito kahit alam na niya ang ibig sabihin ng ama niya. Malamang tungkol ito sa nangyari nung isang araw.


" Na Ikaw ang unang tumakas nung may naka engkwentro kayo sa daan nung isang araw?" Patanong na sabi ng ama. Sasagot palang sana si Vlad ng mabilis na kinwelyuhan ni Vicenze ang anak niya. "NA PINALABAS MO ANG TATLONG KASAMA MO SA KOTSE MO AT INIWAN MO SILANG NAKIKIPAGBARILAN PARA MAKATAKAS KA!!" Sigaw nito. Kitang kita mong nagbabagang na ang panga nito sa sobrang galit. "TOTOO BA YUN?! HA?!" 


Halos araw araw namang pinapagalitan si Vlademir ng ama niya pero hindi pa din na iimmune ang utak nito sa takot. Kahit nanlalambot na ang mga tuhod nito ay agad sumagot si Vlad. "P-pasensya na ama. Natakot lang ako nung mga oras na yun..at..hindi ko sinasadya ang nangyari." 


Agad na bumagsak sa sahig si Vlad nung makatanggap ito ng malakas na suntok galing sa ama niya. "NATAKOT?!" Singhal nito. Gusot na gusot na ang uniporme ni Vlad. Gusto mang tumulong ni Flora sa alaga niya pero baka siya pa ang mapatay pag nakialam siya. 


"Habang buhay ka nalang bang magiging duwag kang hayop ka?" Pagtitimpi ni Vicenze. Napapakagat na ito sa sariling labi sa sobrang galit. "Hindi ko na alam ang gaggawin ko sayong bata ka." Dagdag pa nito, at bago pa siya may magawang masama sa anak niya ay pinili na nito ang tumalikod nalang. Pero bago ito umalis ay may binitawan pa itong salita na dumurog ng husto sa puso ni Vlad.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now