Episode 14 : Premonition

1.9K 129 20
                                    

Episode 14: Premonition


( Sorry sa typos and errors :) )


( May nakakamiss ba kay Hugo dito? Hahahaa see niyo yung picture. 

Ash of Arcana Famiglia as Sebastian Lorbek )



*********



[3rd Person's PoV]


"Damdam, ayaw mo ba talagang sumama?" Nasa may balkonahe ngayon si Damian sa boarding house ni Agnes, nakaupo at nakatingin lang sa puno na tinutulugan niya minsan. Habang si Agnes naman ay nag aayos na sa loob pero rinig pa rin naman sa kinauupuan ni Damian ang boses nito.


"Pasensya na pero di ko kayo masasamahan dun, Lady." Sagot nito habang nakatingin lang sa kawalan.


"Bakit naman? Madaming pagkain dun. Natatakam na nga ako eh." Rinig pa ni Damian ang tawa nito kaya napangiti rin siya. Napaka totoo talaga nito sa sarili at hindi marunong mahiya. Bagay na nagustuhan niya ng husto sa pagkatao nito.


"Busog ako."


"Weeh? Rinig ko nga dito yang tunog ng tiyan mo eh. Ansabi pa nga 'Pumunta kana Damiaaan'" Iniba pa nito ang boses na parang tunog halimaw kaya mas lalong natawa si Damian. " 'Masarap ang pagkain dun raaawrr---*cough* ansakit sa lalamunan." 


Napansin naman ni Damian ang isang sasakyan na huminto sa may tapat nitong boarding house. Malamang ito na yung service na susundo kay Agnes "Di ka pa tapos, Lady?" 


"Tapos na." Sagot nito pagkatapos ay narinig ni Damian ang pagbukas ng pintuan dun sa may balkonahe kaya saglit siyang napatingin rito.


"Okay lang ba yung suot ko?" Tanong nito habang pabirong nagpopose pa (Pakitingin ng photo sa baba) Si Damian naman ay parang natulala sa nakita niya. "Wooyy"

 "Wooyy"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Bago pa mapansin ni Agnes ang pamumula niya ay agad na nitong inalis ang tingin niya sa dalaga "Bagay sayo ang suot niyo, Lady." Sagot nalang nito. 

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now