Episode 11 : The Unknown Girl of Alibara Mafia

2.2K 110 22
                                    

Episode 11 : The Unknown Girl of Alibara Mafia



Sorry mejo natagalan :) Sana magustuhan niyo hahaha


Sorry sa typos and errors :)


*Pa plug hehe. May bago akong story na ginawa. Title nito ay PERCIVAL: Her Perfect Servant :) Check niyo nalang yung prologue at chapter 1, baka magustuhan ninyo :) 


*******


[3rd Person's PoV]


"Papa, dito na ba tayo titira?" Tanong ng isang batang Damian sa papa nito matapos makita ang napakalaking mansyon na nasa harapan nila ngayon. Ginulo naman agad ang buhok niya at tsaka nginitian. "Oo anak."


"Mayaman na ba tayo, papa? Ang laki ng bahay natin" Manghang dagdag ng anak. Ngumiti lang ang ama nito at tsaka nilipat ang atensyon sa pabukas na gate na nasa harapan nila.  


Pagkabukas nito ay sumalubong agad sakanila ang isang mejo may katandaan na lalaki na may kasamang mga bodyguard. "Denzel" Bati agad nito.


"Don Celo." Yumuko ang ama ng bata bilang respeto. "Maraming salamat sa alok niyong tumira dito sa mansyon niyo. Pasensya na at nakakaabala kami sainyo." Sabi pa nito. Tumawa lang si Celo at tsaka tinapik ang balikat ni Denzel


"Isa ka sa pinakatapat kong tauhan, Denzel. Ipagkakait ko pa ba ang tirahan ko para sayo?" Nakangiting tanong nito. Si Denzel Seraphin ay matagal ng nagtatrabaho kay Celo bilang matinik na Hitman ng grupo niya. Dalawampu't taon ng nagtatrabaho si Denzel sa kamay nya kaya para na rin itong kapatid ni Celo dahil di naman malayo ang agwat ng edad nila. 


Biglang inatake ang pamamahay ni Denzel ng isang di kilalang mga tauhan at sinunog ito kaya wala na silang mapaglapitan ngayon. Buti nalang at pumayag ang Boss niya na tumira sa mansyon nito. Utang nito sakanya ang lahat.


Habang nakikinig ang walang muwang na si Damian ay napansin niya sa may likuran ni Celo ang isang batang babaeng nagtatago habang nakahawak sa laylayan ng suot ni Celo. Ngumiti si Damian sa batang babae at tsaka kinawayan ito. Pero di gumanti ang batang babae, sa halip ay nagtago pa ito lalo sa likuran ni Celo.


"Anak mo?" Tanong ni Celo nung mapansin niya si Damian na hawak hawak ni Denzel "Ah..opo. Si Damian." 


"Kumusta ka, batang Damian?" Ngiting tanong ni Celo sa bata. Gumanti naman agad si Damian "Mabuti lang po. Kayo po?" Ngiting tanong rin nito na ikinatawa ni Celo.


"Masigla tong bata mo, Denzel. Ah siya nga pala. Tamang tama." Tumingin naman si Celo sa likuran niya tapos ay pinapunta niya sa harapan ang batang babaeng kanina pa nagtatago sa likuran niya. "May makakalaro na tong anak ko." Agad naman nitong pinakilala ang isa't isa. "Damian, ito si Agnes. Anak ko. Anak, si Damian, bagong kalaro mo." 


Tahimik lang ang batang agnes na parang nahihiya. Habang si Damian naman ay agad naglahad ng kamay sa batang babae. "Kumusta ka?"

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now