Episode 56: Jill (Armada vs Vendetta -2ND BATTLE-)

1.2K 71 38
                                    

Episode 56: Jill (Armada vs Vendetta -2ND BATTLE-) 


3 Down (Patingin ng pic sa ibabaw nito)  4 Left 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3 Down (Patingin ng pic sa ibabaw nito)  4 Left 



Wag madaliin ang pagbabasa~ Enjoy~ 



********


[3rd Person's PoV]  


"Ama mo pala ang isang yan." Usal ni Jill ng marinig nito ang bulong ni Dante. "Kaya pala magkamukha." Ngisi pang dugtong nito.

"A-anong ginawa mo..." Tulala lamang si Dante habang nakatingin sa ama niya. Dahan dahan siyang lumuhod at tsaka hinawakan ang pisngi nito. Nanginginig pa ang mga kamay niya dahil sa pagkabigla. Parang hindi kapani paniwala ang nakikita niya ngayon. Parang kanina lang ay nag uusap pa sila, nagtatalo, nagsagutan. 

Tapos ganito nalang bigla ang makikita niya?

Pugot na ulo ng ama niya?

"Nakita ko kasi yung uniporme eh. Baka magustuhan ng doktor pag alam mo na... Pakibalik nalang sakin yung ulo pagtapos niyo dyang magluksa ah. Ipapakita ko pa yan sa doktor eh." Parang nang aasar pa ang boses nito kaya mas lalong lumalim ang paghinga ni Dante.

"Hayop ka..." Kinuyom nito ang mga kamao at sobrang talim na tinignan si Jill "HAYOP KAA!" Susugod palang sana siya para patayin tong nasa harap niya nang may biglang pumigil sa balikat niya. Takha niyang tinignan ang pumigil rito, at nakita niya nalang ang tila dilat na dilat na mga mata ni Maki at ito mismo ang mabilis na sumugod kay Jill.

Pinakawala nito ang isang napaka ang malakas na suntok. Pero walang kahirap hirap lang yung nasangga ni Jill gamit ang dalawang pamaypay niya. Ngingisi pa sana ito pero agad dinura ni Maki ang karayom sa bibig niya at di yun napaghandaan ni Jill kaya mabilis itong dumaplis sa pisngi niya.

Agad namang sinipa ni Jill si Maki sa sikmura kaya tumilapon ito. Pero buti ay nandun si Dante sa likod para masalo niya ito sa pagkakatilapon.

"Kukulangin ang lakas niyong dalawa sa totoo lang." Usal ni Jill at aabante pa sana para tapusin na agad 'tong dalawang nasa harap niya nang mapansin niyang may bumaon na palaso sa harap niya. Nakita niyang umiilaw ito kaya alam niyang sasabog yun. Tumalon si Jill paatras para sana iwasan ang pagsabog pero sa pag atras niya, may isa pa palang nilalang ang nasa likuran niya at sinipa siya nito pabalik.

Dahil dun ay napalapit siyang muli sa palaso at natamaan siya sa pagsabog at tumilapon.

Mejo nakaramdam si Jill ng kaonting pagkahilo sa pagkabagsak niya. Pero muli siyang tumayo para tignan ang buong paligid niya. Kumurba namang muli ang ngiti niya nang mapagtanto niyang pinapalibutan na pala siya. Dalawa sa harap niya, dalawa sa likod.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon