Chapter 41 : Greco Octavo's Past

1.2K 55 15
                                    

Chapter 41: Greco Octavo's Past

HIIIII Hahahahaha. Almost 5 months na rin simula nung huling update ko hahahaha pasensya na sa mga tinatamad na maghintay. Pakiramdam ko kasi wala na talaga tong pag asang gumanda pa ulit e. Sobrang ginulo ko yung plot hays. Sobrang predictable na ng mga nagaganap. Plano ko sana talagang itigil nalang to pero naisip kong sayang rin naman. Umabot na ako sa episode 40 tas tsaka ko pa titigilan hahaha gago lang. Pero di bale, I'll do my best na mapadali 'to. Sobrang lapit na nitong matapos e. Push ko nalang hanggang dulo. 

So heto na, Sorry sa kasabawan hahahaha


Pakitingin sa media. Mikasa Ackerman of AOT as Ginger Octavo


Sorry sa errors. Mejo mahaba 'to. 


*********



[3rd Person's PoV]


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Halos di makapaniwala si Virgel sa sininghal sakanya ng kaharap niya ngayon. Umiiyak ito na tila punong puno ng galit ang nararamdaman niya.

"Oo! Ang mahal mong ama ang pumatay sa mama ko! Ngayon naiintindihan mo na?! Naiintindihan mo na kung bakit kinasusuklaman ko ang presensya mo?!" 

"Hindi ganyan si Papa..." Kontra ni Virgel. Hindi siya naniniwala sa mga pinagbibintang ng babaeng to. Ang kanyang papa? Kayang gumahasa at pumatay? Hindi, hindi yun magagawa ng papa niya. 

Marahas na lumapit si Ginger sakanya at tsaka walang hirap siya nitong inangat habang hawak hawak ang  kwenlyo ng damit niya at tsaka siya malakas na sinandal sa pader. "Kitang kita ko kung anong nangyari ng gabing yun. Pati ang tatlong tito ko, pinaslang ng walanghiyang ama mo!" Walang ibang nagawa si Virgel kundi tignan lang si Ginger na halos wala ng mapaglalagyan ang galit niya. Nanginginig na ang kamay nito na nakahawak sa damit ni Virgel. Parang gustong gusto na siya nitong pagsasampalin sa mukha.

"Hindi.." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ni Virgel. Gulat parin ang utak nito sa mga narinig niya. Wala rin siyang masabing proweba na hindi totoo ang mga sinasabi nito dahil wala rin siya nung mga panahon na yun.

Habang ganun ang eksena nilang dalawa, nadatnan sila ni Greco na kakapasok lang sa silid. Parehong napatingin ang dalawa sa gawi ng matanda na halatang nagulat--lalo na si Ginger. 

"Tama na yan, Ginger." Awat ni Greco.

Dahan dahan namang binaba ni Ginger ang mga kamay niya at maya maya pa ay napaluhod nalang ito at walang humpay sa pag iyak. Naalala na naman niya ang mahal niyang mama. Kung paano niya ito tignan na wala ng buhay noon katabi ang mga tito niyang napamahal na rin sakanya.

"Alam kong nangungulila kana naman sa mama mo." Lumapit si Greco sa anak niya at tsaka marahang tinapik ang balikat. "Pero kailangan mo ng malaman ang mga dapat mong malaman dati pa." Dugtong nito. Si Virgel naman ay napabalik sa pag upo sa sahig dahil di nito hawak ang saklay niya. 

Napaangat naman ng tingin ang dalaga sa ama niya at tinignan ito na may halong pagtataka. 

"Ikkwento ko sainyo kung ano nga ba ang buhay ko noon sa kamay ng ni Vlad..at ang totoong nangyari nung gabing yun." 



*************

[Flashback]

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora