Episode 21 : Leave or Stay?

2.4K 114 54
                                    


Episode 21 :  Leave or Stay?



(Pambawi sa matagal kong pag update hahaha)


(Pakitngin sa media, mas maangas talaga tignan si Benz pag nakatumba yung buhok niya hahaha )


******


[3rd Person's PoV]


Walang permanente sa mundo. Isang mapait na katotohanan.


Lahat may hangganan, lahat may katapusan..


at masakit man tanggapin, pero sa tingin nila ay dito na nga lang ata talaga ang hangganan ng pinakamamahal nilang Boss at kasamahan.


Taimtim lamang na nakikinig ang lahat ng nandito sa pari na nasa harap ng dalawang mahal nila sa buhay. Di maiwasan ng iilang nandun ang maiyak dahil mahirap pa rin talagang tanggapin ang nangyari. Hindi nila inaasahan na matatapos ng ganito ang buhay ng dalawang taong nagbigay ng kahulugan sa mga buhay nila.


Habang tinitignan ni Veronica ang kabaong ni Vlad ay di nito maiwasang maalala ang huling pag uusap nila sa kwarto nito noon tungkol sa edad ng tao.


Tinanong siya nito dati kung ano ang pwede mong gawin para maagapan mo ang pagtanda, at ang sagot niya dun ay kamatayan. Dun nakaramdam siya ng kakaiba sa sinagot nito at sa paraan ng pag ngiti nito sakanya.


Akala niya wala lang yun. Pero mukhang may kahulugan nga ata lahat ng sinabi niya nung araw na yun. Isa sa kakayahan ni Vlad ang magkaron ng napaka talas na kutob. At sa tingin niya mukhang may kutob na talaga si Vlad nung mga oras na yun sa mangyayari sakanya dahil ganun nalang ang mga sinasabi niya.


Sa tabi naman ni Nica ay si Elrien na ang lalalim na ng paglunok ng sarili nitong laway dahil sa pagpigil sa mga nagbabadyang mga luha. Habang tinitignan niya ang himlayan ni Sebastian ay napaisip nalang siya. 


Parang kailan lang nung lagi pa niyang nahuhuling tumitingin si Sebastian sakanya tuwing wala itong ginagawa. Parang kailan lang nung unang beses siya nitong kinausap. 


Parang kailan lang..


parang kailan lang nung nagkausap pa yung dalawa at sinabi pa niyang lagi nilang natatakasan ang kamatayan, na lagi nilang nililinlang ang tadhana para maiwasan ang masawi sa mga labanan.


"Bat di mo nadaya ang tadhana?" Tanong nito sa isipan para sa lalaking hindi na niya masisilayan pa kahit kailan. "Bakit?"


Naramdaman niya ang panyong inalok ni Asher sakanya at dun lang niya nalaman na umiiyak na pala siya. Kinuha niya yun at tsaka pinunas sa mga luha niya. "Masaya na sila sa kung saan man sila naroroon ngayon." Imik ni Asher sa tabi nito. "Yun nalang ang isipin natin sa ngayon." Dugtong nito na mas lalong nagpaiyak sa babae.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora