Episode 58: One vs All

1.5K 78 36
                                    

Episode 58: One vs All


*******


Pakitingin sa media. Pics ng 10 Armada hehe



Enjoy~ Wag madaliin ang pagbabasa.



Btw, for the nth time, LALAKI po ako. Ilang taon na akong nami Ms. Author dito sa wattpad amp hahaha 



*****



[3rd Person's PoV]



2 MONTHS EARLIER....


"Doctor, may gustong kumausap sayo." Wika ng isang sundalo kay Manuel. Kasalukuyan itong nasa lab ngayon habang may ginagawa. "Sino daw?" Tanong naman nito.

"Isang Heneral po." Napahinto si Manuel ng marinig niya ang sagot nito. Isang Heneral?

"Papasukin niyo." 

Agaran namang binuksan ang malaking gate ng kuta ng doktor at tsaka sinalubong ang Heneral ng dalawang utusan nito. "Sumunod ka samin." 

Nang marating nila ang lab, agad pinapasok ang Heneral. Tumambad sakanya ang isang doktor na ngising nakaupo lang. "Anong maipaglilingkod ko sa isang Heneral?" Tanong nito. Pero di pa man ito nagsasalita , alam na ata ng doktor ang pakay nito. Kita niyang may bitbit itong batang babae na walang malay. 

"Tinanggihan na ako ng lahat ng doktor dito sa bansa. Di nila mahanap yung lunas ng sakit ng kapatid ko. At isang kakilala ko ang nagrecommenda sayo." 

Napaayos naman ng salamin ang doktor sa narinig niya. "Gusto mo ba na ako ang gumamot sa batang yan?"

"Oo. Pakiusap doktor. Gawin mo ang lahat para maligtas ang kapatid ko. Di ko na alam ang gagawin ko." Pakiusap nito. Kitang kita sa mukha nito ang pagmamakaawa. 

"Napaka bata mo pa para maging isang Heneral, Ibarra." Sagot nito. "At ano naman ang makukuha ko kung sakaling gagamutin ko siya? Sawa na ako sa pera." 

"Gagawin ko lahat ng gusto mo." 

"Lahat ng gusto ko?" Ngising ulit nito

"Oo."



*****



Sa loob ng dalawang buwan, sa wakas ay makikita na rin niya ang kapatid niyang binilin niya kay Manuel para magamot. Habang naglalakad silang dalawa ay di maiwasan ng Heneral ang kaonting excitement sa sarili. Miss na miss na niya ang kapatid niya. 

"Maraming salamat doktor. Utang ko sayo ang buhay ng kapatid ko." 

Nasa unahan si Manuel kaya di makita ng Heneral ang nakangisi nitong mukha. "Ako dapat ang magpasalamat sayo, Heneral." 

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now