Episode 51: War in Orquieta (1st Day)

1.1K 50 2
                                    

Episode 51: War in Orquieta (1st Day)



Ni republish ko lang, Nagloloko na naman yung wattpad e. 



{ A/N: Sa mga reader na si Virgel lang yung hanap, paki skip nalang po 'to hahaha. Walang scene si Virgel dito. Nabasa niyo naman na siguro yung last Author's note ko kaya di na ako magpapaliwanag dito :)Thank you )


Ngayon lang ulit ako mag aa/n ng mahaba hahah. So sa mga nag iisip na kaya ganito yung plot ko kasi pinapahaba ko lang yung kwento, para more votes at comments, isipin niyo na kung anong gusto niyong isipin hahaha pero ginagawa ko 'to kasi kilala niyo na ako magsulat. Sa season 1 palang sinabi ko ng ayoko maging palamuti yung iba. I'll give life to every character na ginagawa ko dito sa abot ng makakaya ko. Kaya ganito. Kung iniisip niyo na baka pinapahaba ko lang, tangina hahaha gustong gusto ko na matapos to sa totoo lang. Sarap na ngang madaliin eh hahaha yung tipong next episode last fight na tas epilogue na agad? Sarap nun. Pero ayoko magmukhang minamadali yung ending. Kahit di niyo na feel yung flow, I'll do my best na maging successful parin yung ending nito tulad nung nagawa ko sa season 1. So pasensya na sa mga nahahabaan at natatagalan na jan. Malapit na talaga 'to. Konti nalang hahaha )


Enjoy~


*********


[3rd Person's PoV]


Pasado alas dose na ng hating gabi at kasalukuyan paring tinatahak ng mga militar ang daan papunta sa bayan ng Orquieta. Kasalukuyan namang nakasakay sa isang military truck ang Squad ni Sgt. Enorio. Karamihan sa mga ito ay natulog muna para ma kundisyon ang sarili pagdating nila sa bayan. Pero may iilan ang piniling idilat nalang ang mga mata para mag isip.

Gising pa si Sgt. Enorio at isa isang tinignan ang buong squad niya. Ito na ang pang lim niyang sabak sa isang gyera. At minsan na rin siyang naging lider ng tatlong squad sa naunang apat na laban niya. Pero sa kasamaang palad, halos lahat ng mga taong naa under niya, di nakakauwi ng ligtas. Sa katorseng tao niya nung unang sabak niya sa gyera, isa lang ang natira sa squad niya. Sa pangalawa, wala maski isa. Lahat di nakaligtas. Sa pangatlong sabak naman niya, tatlo lang ang naiwan. Rinig na ang impormasyon na yan sa mga sakop ng militar, yung iba nga tawag na sakanya palpak na sarhento e.

Masakit man sakanya ang malagasan at makarinig ng ganung komento tungkol sakanya, nandito parin siya, handa paring gawin ang lahat para sa bayan. Ngayong sa panlimang beses niyang pakikibaka, sisiguraduhin na niyang lahat ng mga tao niya ay makakauwi ng ligtas pagkatapos ng gyera na 'to.

Habang tinitignan niya ang mga tao niya, nahagip niya ang isang sundalo na nakadutdot sa cellphone na kaharap niya.

"Calvin, ba't di ka muna mag ahh...pahinga?" usal nito kaya natigil sa pag ngiti si Calvin Rios at tumingin sa Sgt. niya.

"Gising pa ang asawa ko. Nangangamusta lang ako sir." Turan nito. Isa sa masunuring sundalo si Rios na under kay Sgt Enorio. May isang butihing asawa at isang napaka gandang anak na apat na taong gulang. Bago paman siya umalis kanina, pinangako na niya sa mag ina na mag iingat siya at sisiguraduhin niyang uuwi ulit siya ng buhay. Pangalawang sabak na ni Rios sa gyera at natakasan na niya ang kamatayan ng isang beses. At sisiguraduhin niyang magagawa niya ulit yun ngayon. "Birthday na kasi nung prinsesa ko tatlong araw mulang ngayon, nag uusap kami kung anong ireregalo namin sa bata." Ngiting usal ulit nito.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now