Episode 15 : The Ambush

1.8K 111 8
                                    

Episode 15 : The Ambush


Sorry sa typos and errors.


Pakitingin sa media. Sig of Destroyers  as  Quincy of Vendetta


Heto na yung ud na pinangako ko sa quota na sinabi ko :) 



*******


[Ish's PoV]


"Sir, drinks?" Huminto ang isang waiter sa harapan ko at nilahad ang hawak niyang tray kaya kumuha ako ng isa. "Salamat"


Nung makaalis  ito ay ibinalik ko na ulit ang tingin ko sa dalawang Boss na kasalukuyang nag uusap ngayon sa iisang table. Nasa may gilid lang ako ngayon at kanina pa nagmamanman sa mga Martin na'to. Hindi talaga maganda ang kutob ko sakanila eh.


Iinumin ko na sana ang hawak kong baso nang bigla nalang may nanghila sa braso pababa kaya muntikan ko na itong mabitawan. Anak ng!


"Patikim kuya." Agad niyang kinuha ang basong hawak ko at tsaka ininom. Kanina pa din to sa tabi ko. Ewan ko ba't kanina pa to sunod ng sunod sakin, at ewan ko rin ba kung bakit titig na titig ako sa labi niya habang nilalagok yung baso. Ena.


"Ang sarap" Mabilis ko nalang nilipat ang tingin ko kila Boss dahil bigla akong nakaramdam ng ano. 


Enamo Ish, bata yan.


Habang patuloy lang ako na nagmamasid sa lamesa nila Boss ay bigla kong napansin ang isang lalaking palingon lingon sa paligid na parang may hinahanap habang naglalakad. At sa kakalingon niya, bigla siyang napatingin sa direksyon namin ni Lily. Agad kumunot ang noo ko nung ngumisi ito ng malapad samin. Kakilala ba namin t o?


Mabilis siyang lumapit samin na parang kumikintab pa yung mga mata niya. "Oh my! Ish Valderama! Lily Valdez!" Sigaw nito


"Hello~" Bati rin ni Lily dito sa batang lalaki na tingin ko ay ka edad lang ni Boss. Sino ba to?


"Idol na idol ko kayo! Alam niyo ba sikat na sikat yung mga pangalan niyo sa kuta natin? Fan na fan niyo ako!" 


"Kuta natin? Ibig sabihin kasapi ka ng Virgo?"


"Opo! At hinintay ko talaga tong pagkakataon na to na makita kayong lahat sa personal!" Tuwang tuwa ulit na sabi nito.


Hindi ko alam ang irereact ko kaya ngumiti nalang ako pilit.


"Ay siya nga pala, Maki Puma ang pangalan ko." Yumuko pa ito saglit. "At gusto kong maging kasapi niyo! Gusto kong dito na tumira kesa dun sa kuta natin. Ang boring na dun Master Ish." Gusto niyang tumira dito? Sino ba talaga to? Di ko alam na may batang myembro dun sa kuta ng mga Virgo. Sa pagkakaalam ko kasi mga ka edad ko lang ang mga kasapi dun.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now