Episode 52: Awakening of the Devil

1.2K 60 7
                                    

Episode 52: Awakening of the Devil 


****


Wala na akong trabaho so baka mejo maka focus na ako dito at mapapadali ng onte yung mga update. Still, wag pa ring umasa. Hahah


Enjoy~ 


*********



[3rd Person's PoV]


Natapos ang isang buong araw sa Orquieta na puno ng bakbakan. Daan daan na ang mga nasawi sa magkabilang panig. Marami rami na rin ang mga narescue ng mga sundalo at nailabas na sa bayan. Pero di pa dun natatapos ang lahat, alam nilang may mga iilan pa ang natrap sa lugar. At kailangan nilang iligtas ang bawat isa sakanila.

Pasado alas siete ng gabi ng humupa ang putukan. Pinili ng magkabilang panig na ipahinga ang mga sarili. Gustuhin man nilang umatake, masyadong delikado para sakanila. Baka mga kasama pa nila ang maputukan dahil sa dilim na nababalot sa llugar. Pero may iilan na alerto paring nagmamanman sa paligid. Kadalasan nito ay mga sniper. Mas mabuti ng handa. 

 Sa isang abandunadong bahay naman nagpasya ang squad ni Enorio na magpahinga at magpalipas ng gabi. Mejo malayo ito sa ibang mga sundalong kasama nila

Abala ang iilang myembro sa kanilang sarili. May iba na nagpasyang umidlip muna dahil sa pagod. Sina Russo at Navarro naman ay kasalukuyang ginagamot ang mga sugatang kasamahan. "Malayo sa bituka yan. Kaya mo yan." Pagpapalakas ng loob ni Russo sa kasamang halos di na makalakad dahil natamaan ang hita nito ng bala. "Oo. Salamat"

"A-ray! Araaay! Ahhh!" 

"Wala kana bang mas iuungol pa jan, Pat?" Natatawang tanong naman ni Navarro sa kanyang ginagamot na si Patrick Salvador, ka squad rin nila. 

"Gago ang sakit pre!" Parang maiiyak na ito dahil sa sakit ng balikat nitong tinamaan rin. Kasalukuyan itong tinatakpan ng bandage dahil tapos na itong magamot ni Navarro. "Easy lang pre. Mas masakit maloko kesa jan sa nararamdaman mo ngayon." 

Mejo natawa ito sa sinabi ni Navarro pero napapangiwi parin sa sakit. "Gago ka talaga."

"Ipahinga mo na muna yan." Ngising usal nalang nito bago tumayo at nilibot ang tingin para tignan kung may di pa nagagamot.  Pero sa paglilibot niya, tanging si Ryan lang ang nag agaw sa atensyon niya. Nakaupo ito sa sahig sa gilid habang tulala. 

"Puntahan mo muna pre." Sabi nalang ni Russo dahil pansin niya rin ito na kanina pa tulala. Naging tulala na ito matapos yung nangyari kaninang umaga. 

Lumapit si Navarro sa pinakabata nilang kasamahan at tsaka tumabi sa pag upo. Di na siya napansin ni Ryan dahil ukupado ang utak nito. Di mawala sa utak niya ang mga ngiting pinupukol sakanya ni Arnold habang nag uusap sila kanina. Ang maikli pero makabuluhang usapan nila. Lahat isa isang bumabalik kaya di matanggap ng puso niya yung sinapit ng bagong kaibigan niya.

Sobrang bilis ng pangyayari. Ang hirap sikmurain. 

Bigla siyang may naalalang bagay kaya wala sa sarili niyang dinukot ang isang bagay sa ilalim ng vest niya. Isang bibliya. 

Unti unti nalang nangatal ang bibig niya habang tinitignan ito at walang pahintulot na umagos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. 

 "I already surrender myself to Him. Kung sakaling bawian man ako ng buhay sa gyerang 'to, alam ko naman na kung saan ako mapupunta. Mapupunta ako sa lugar kung saan di na ako makakaramdam ng sakit. Kaya di ako natatakot. Mas masaya pa nga yun , diba?"

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora