Episode 2 : The Vendetta ( Part 2 )
Short update lang po ito :) Wag mag expect, masasaktan ka lang hahaha
Nirepost ko lang kasi nagloloko yung wattpad kagabi nung pinublish ko to hahahaa
*******
[ 3rd Person's PoV ]
-Flashback-
"Ito pala ang bayan ng Abyss."
Nasa pinakaibabaw ngayon ng isang gusali ang Pitong alaga ni Dr. Guanzon habang tinitignan ang bayang target nila.
"Medyo malaki pala ito." Komento ni Ross habang nilalabas ang dalawang blade nito sa likuran.
(Ross)
Ang Vendetta ay tawag sa isang grupo noon na kinatatakutan ng karamihan sa labas ng mundo ng Mafia. Kilala sila bilang tagawasak ng bayan at nagsisilbing matinding kalaban ng Gobyerno. Lahat ng mga bayang nilulusob nila ay nauuwing ubos,wasak, at hirap ng makabangon pa. Kaya lahat ng bayang nawasak nila ay nagiging isang abandonadong bayan nalang.
Hindi rin kasi mga ordinaryong tao ang pitong myembro ng grupong ito. Lahat sila ay may angking kakayahan sa pakikipaglaban dahil bata palang silang pito ay sangkap na sila sa experimento ni Dr. Guanzon. Sa tatlumpong taong ginamit niya sa experimento niya, pito lang ang naging perpekto. At sila yun.
" Ipaubaya niyo na sa amin ni Ross ang parteng timog" Nakangising tugon ni Quincy habang akay akay ang mahabang pole axe sa balikat niya.
YOU ARE READING
VENDETTA (BOOK 2) [COMPLETED]
ActionMinsan ng binansagan ang 'Vendetta' bilang kinatatakutang grupo ng mga vigilante noon dahil sa trabaho nilang tagawasak ng bayan. At binubuo lamang sila ng pitong myembro na may mga nakakamanghang kakayahan sa pakikipaglaban dahil sa experimentong g...