Episode 17 : Saddest Nightmare

1.9K 114 23
                                    

Episode 17 : Saddest Nightmare 



(Sa mga nakakamiss na kay Argo, pakitingin sa media :) Shogo Makishima as Argo Diamante)


(Please wag niyo muna tong basahin kung may ginagawa kayo or may kasama/kausap para di kayo nadidistract :) )


******


[3rd Person's PoV]


"Boss!" Patuloy pa ring hinahanap ni Kael si Virgel sa mga sulok sulok ng mansyon pero wala siyang makita. Dahil na rin sa mga usok na dahilan ng pagsabog kaya nahihirapan siya.


"Asar!" Nagsimula na itong mag alala. Sinubukan niyang silipin ang balkonahe sa likuran nitong mansyon pero pagpunta niya dun, mga semento lang ang nakita niya.


Aalis na sana siya nang mapansin niyang gumalaw ang mga yun. "Boss?" Agad niya yung pinuntahan at isa isang inalis. 


Nung maalis niya yun lahat ay dun niya nakita si Virgel na nakayuko na parang may tinatabunan.


"Boss!" Agad niya itong tinuwid ng upo at isinandal. Tsaka lang niya nalaman na si Agnes pala yung tinabunan ni Virgel. Malamang ay pinrotektahan niya ito


Walang malay yung dalawa. Malamang ay malakas ang impact ng pagsabaog sa bandang 'to.


"Boss?" Mahinang tinapik tapik ni Kael ang mukha nito kaya dahan dahan itong nagising


Nung naalimpungutan ito ay mabilis nitong tinignan ang paligid nila, sobrang wasak na nito. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kanina, at nung maalala niya ang mga pagsabog na nangyari, mabilis nanlaki ang mga mata niya dahil may isang tao itong inaalala "Si Papa!"


Sinubukang niyang tumayo pero napadaing lang siya dahil sa sobrang sakit nito sa likuran. Pinrotektahan niya si Agnes sa mga sementong bumagsak sakanila kaya ang likod yung tinamaan niya.


"B-Boss magpahinga muna kayo."



"Si Papa.."



*****


Nang tuluyan namang makalapit si Jill kay Asher ay niluhod nito ang isang paa niya para magpantay sila ni Asher na ngayon ay nakadapa pa rin at iniinda yung mga sugat niya sa paa. 

"Di ka makakalapit kay Boss!" Bulyaw ni Asher na ikinangiti naman ni Jill



****


Sa kabilang banda naman ay patuloy lang sa pagtakas sina Benz at Vlad. Di nila magawang tumakbo dahil di ito kaya ni Vlad sa mga oras na to. "Makakaalis din tayo dito Boss" Sabi ni Benz. Nasa ikalawang palapag na silang dalawa ngayon. Di nila magawang dumaan dun sa entrance dahil nandun si Jill.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now