Episode 28: Back with Vengeance

1.6K 75 26
                                    

Episode 28: Back with Vengeance 


( Sorry sa typos and errors )

(Puro action scenes nasa episode na 'to. Wag madaliin ang pagbabasa pakiusap.)


*********************



[3rd Person's PoV] 


"Isang pagkakataon pa Presidente. Pangako, mahuhuli na namin sa pagkakataong to ang mga vigilante na yun." Determinadong pakiusap ni Grande kaharap ang presidente ng pilipinas na ngayon ay mataman lang na nakatingin sakanya.


"Ipagpaumanhin mo Heneral Grande pero sawa na ako sa mga pangako mo." Diretsang sagot naman nito--bagay na ikanalaki ng mga mata ng Heneral. At ang mga sumunod pa niyang narinig ang tila bumasag ng tiwala at kumpyansa niya sa sarili. "Hindi ka marunong mamuno. Ilang beses mo na kaming binigo. Masyado ng madaming buhay nga mga sundalo ang sinayang mo para jan sa pangarap mong madakip ang mga nilalang na 'yan." 



"Tama na Heneral. Tanggapin mo nalang na kahit ang isang henyong tulad mo ay natatalo rin minsan." 




*****



"Sa buong buhay ko, ni isang beses hindi pa ako nabigo sa mga misyong binibigay sakin." Biglang wika ni Grande sa gitna ng katahimikan na nababalot sa buong silid. "Hanggang sa dumating kayo." Dugtong nito habang unti unti ng kinukuyom ang mga kamao.


"Oh?" Nakangising usal rin ng kaharap niya.


"Ang pitong vigilanteng hindi ko mahuli huli kahit sa anong gawin ko. Kahit anong stratehiya pa ang gagawin ko, sa huli ay nakakatakas parin kayo sa mga kamay ko at sa gobyerno." 


"Teka, para bang intro mo yang  sinasabi mo bago tayo maglaban? Nauurat na ako" Pang aasar pa ng kaharap niya habang pinapatunog na ang mga daliri nito. Di na mapakali ang kalamnan nitong makipaglaban.


"Inaamin ko, kayo ang dahilan kung bakit naging palpak akong mamumuno. Pagdating sa iba nangingibabaw ako. Pero pagdating sainyo, pag kayo na ang pinag uusapan, nagiging walang kwentang Heneral ako."


"Kung sa tingin mo kakaawaan kita dahil jan sa pinagsasabi mo, tandaan mong hindi ako nag aksayang habulin ka para lang sa wala Heneral." Biglang tumalim ang tingin ng kaharap niya. Kahit hindi pa ito namumula ay nakakasindak na ang bawat titig nito. 


"Sa loob ng mahabang panahon ginawa ko ang lahat para mas lumakas pa. Para maging perpektong Heneral ng bansa. Para kung sakaling magparamdam man kayo ulit, may lakas na akong hulihin kayo. May lakas na akong ipagtanggol ang mga tao laban sa inyo." Bigla itong naglabas ng pwersa at pinakita sa kaharap niya na kahit matanda na siya, batak na batak parin ang katawan niya.  "At heto na nga, dumating na nga ang pinakahihintay ko. Kaya sa pagkakataong ito.." Bigla itong tumahimik--at maya maya pa ay mabilis itong umatake sa harap ni Morpheus

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now