Episode 34: Avenge

1.7K 79 23
                                    

Episode 34:  Avenge


*******

Hi Guys! hahaha sorry ngayon lang nagparamdam. Na busy lang sa work. Ngayon lang ulit ako nagka oras haha. Ewan kung tanda niyo pa ba yung plot ng story hahah anyways, eto na yung update ko. Sorry sa typos at kasabawan. 

Ito nalang pinili kong portrayer ni Asher hahaha Pakitingin sa media. Mikoto  Suoh of K Project as Asher Bedrijo

 Mikoto  Suoh of K Project as Asher Bedrijo

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.


**************


[3rd Person's PoV]


Mag aala sais na ng umaga nang maisipan ni Hell na puntahan saglit ang kwarto ni Kael. 


Pagka akyat niya, naabutan niya si Madel na kakalabas lang sa kwarto ni Kael na may dala dalang tray na may mga gamot at tubig.


"Kumusta ang lagay niya, Madel?" Tanong ni Hell.


"Sobrang tamlay niya po Sir Hell. Di niya nga nainom tong gamot e. Ni kahit pagbangon hirap na hirap siya. Tingin ko di na yan lagnat lang e." Kitang kita sa mukha ng dalaga ang pag aalala. Binuksan naman saglit ni Hell ang pinto at tinignan si Kael sa loob. Natutulog lang ito habang naka kumot ang buong katawan. 


"Bakit ba nagkaka sakit to ng walang dahilan?"


"Di ko rin alam, Sir. Ang lakas lakas pa naman niya kahapon ng umaga nung pumasok sila ni Sir Virgel eh." Malungkot na ganti ni Madel habang nakatingin rin kay Kael.


Natahimik naman saglit si Hell. Ayaw man niyang ipakita, pero nag aalala rin ito kahit papano kay Kael. Dahil bukod sa mejo napalapit na sakanila yung bata, di niya makakalimutan ang utang niya dito. Si Kael ang nagsalba sakanya nung kamuntik na siyang mamatay dahil sa kawalan ng maraming dugo.


"Pakitingin nalang ako sakanya. Hayaan mo na ang ibang maid na gumawa ng ibang gawain. Sa ngayon personal mo nalang munang bantayan si Kael. Tapos balitaan mo nalang kami kung lumalala ba ang kalagayan niya." Bilin ni Hell. Yumuko naman ng bahagya ang dalaga at ngumiti ng onte. 


"Masusunod, Sir Hell." Sagot nito


Tumalikod naman si Hell pagkatapos at tsaka nakapamulsang naglakad papunta sa kwarto ni Elsa. Binuksan niya ito at saglit na sinilip. 


VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora