Episode 55: Ermac (Armada vs Vendetta -1ST BATTLE-)

1.2K 56 19
                                    

Episode 55: Ermac (Armada vs Vendetta -1ST BATTLE-) 


(Oki, 3 chapters agad  in just 1 week. At baka maging apat pa. Sana di mawala tong sipag ko.)


Mahaba 'to. Wag madaliin ang pagbabasa hahah Enjoy~ 


************* 



[3rd Person's PoV]


"W-wag...m-maawa kaa." Halos maihi na ang isang sundalo ng makitang siya nalang ang naiwan sa mga kasamahan niya at papalapit ngayon sakanya ang nakasuot na puting kapute habang may hawak hawak na Sai sa magkabilang kamay. 

Bubunutin nalang sana niya ang pistol sa likod niya para maunahan niya ang Vendetta na kaharap niya pero mabilis lang siyang tumilapon ng sipain siya nito. Mabilis na nabangga ang katawan niya sa poste. At di lang dun, mabilis na nakalapit ang Vendetta na yun sakanya at sobrang bilis na pinagtataga ang buong katawan niya gamit ang Sai nito. "Arkrrkk!!" 

Bagsak.

Kasalukuyang nililinis ni Ermac ang kaliwang parte ng syudad ngayon. Lahat ng mga nadadaanan niyang sundalo ng gobyerno o mga sibilyan na na trap parin sa lugar ay walang pagdadalawang isip niyang tinatapos. 

Nang matapos niya ang huling sundalo sa lugar na 'to, napahinto siya saglit at pinakiramdaman ang paligid. Saglit nitong nilibot ang tingin sa lugar at parang may kung anong alaala ang pilit na pumapasok sa utak niya. 

Parang pamilyar na sakanya ang lugar na 'to. Hindi niya lang saktong matandaan. 

Biglang nag hallucinate ang utak niya at may nakita siyang bata sa kanan niya na sobrang dungis malapit sa poste at gusot gusot pa yung suot. Kasalukuyan itong kumakain ng kanin na nakabalot sa supot. Tapos nakita rin niya ang isang babae na may kaedaran na lumapit sa bata bitbit ang isa pang supot ng pagkain. 

Parang pamilyar na sakanya ang nakikita niya ngayon. Parang paulit ulit na itong nangyari sa buhay niya dati pero di lang siya sigurado. 

Napahawak sa ulo si Ermac at napapikit dahil bigla itong kumirot. Nang imulat niyang muli ang mga mata niya, nawala na ang mga ilusyon na yun. Sunod namang nabaling ang atensyon niya sa kaliwa niya na isang bahay. Parang may kutob siya na may tao pa sa loob kaya pinasok niya ito. Utos sakanila ng doktor na walang ititirang mga sundalo at sibilyan. 

Nang makapasok siya sa bahay na yun ay saglit niya munang nilagay sa balakang ang hawak niyang Sai. Sobrang tahimik dito sa loob na tila inabanduna na ng mga nakatira rito. 

Nilibot niya ang kabuoan ng bahay hanggang sa madapo siya sa nag iisang kwarto nito. 

Dahan dahan niya iyong binuksan at mejo ipinagtaka niya na may nakita nga siyang sibilyan dito. Nakahiga ito sa kama at nakakumot. Puti na ang mga buhok sa sobrang tanda. Parang nag iisa nalang siya rito. Pero ang mas pinagtataka niya, nakadilat ang mga mata ng matanda, gising ito habang nakatingin sa bintana sa gilid niya. Di man lang siya nagawang pansinin nito. O baka di lang talaga siya napansin.  

Dahan dahang binunot ni Ermac ang isang Sai niya para wakasan na ang buhay ng matanda. Pero sa pagbunot niya, bigla siyang natigilan. 

"Masarap ba?"

"Opo!"

"Suuus, niloloko mo lang ako eh." 

"Di kaya, dabest talaga tong kare kare niyo, Ma'am Amanda!"

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now