Episode 6 : Changes

2.2K 108 10
                                    

Episode 6 : Changes


( Sorry sa typo and errors :)) Sorry at pinalitan ko na naman ang title hahaha )


************


[Ish's PoV]


Araw ng sabado, at Isang salita lang ang ibig sabihin nun. Training. Kaya naman sinadya ko talaga ang gumising ng ganito kaaga para may oras pa akong makapag pakundisyon ng katawan. 


Pagkababa ko sa may hagdan ay nadatnan ko si Helena sa may sala na mag isang umiinom ng kape. Imbes na nandun ito sa mansyon ng Fuego para samahan ang pamilya niya, mas pinili niya ang manatili dito kahit wala siyang gaanong nakaausap. At alam niyo na kung sino ang dahilan niya. Swerte ng mokong na yun at may Helena siyang nanjan palagi sa tabi niya. 


"Ang aga mo ah"


Ngumiti siya sa sinabi ko. "Hindi na ako makatulog ulit eh. Kaya bumaba nalang ako para mag kape."


"Ganun ba." Sobra sobra na siguro ang pag aalala nito kay Benz kaya di na rin ito nakakatulog ng maayos. 


Pagkababa ko mula sa hagdan ay tsaka ko lang napansin ang mahinang tunog na nanggagaling sa training area. "May nagttraining na ba sa training room?" Tanong ko sakanya.


"Siguro?"


"Di mo sinilip?"


"Ayokong makadisturbo" Sagot niya bago hinigop ang kapeng hawak niya. Si Boss kaya ang nandun? Kadalasan kasi pag sabado maaga yung gumigising para mag training para bumawi eh.


"Halika samahan mo ko, tignan natin kung sino nandun." Aya ko. Tumango naman siya bago nilagay ang kape sa may mesa niya. 


Habang naglalakad kami papunta dun ay di ko maiwasang magtanong sakanya.


"Kumusta na pala kayo ni Benz?" Casual na tanong ko. Tinignan ko siya saglit pero yumuko lang ito at parang walang balak sumagot. Nauunawan ko naman siya kaya di ko na pinilit pa na magtanong ulit. Habang palapit kami ng palapit ay palakas rin ng palakas ang ingay na naririnig namin. Tunog ito na isang makina na kung di ako nagkakamali ay yung tennis ball machine.


Pagkarating namin ay agad kong pinihit ang doorknob nito at tsaka dahan dahang binuksan. At unang tumambad samin ay tunog ng winawasiwas na samurai. Tumambad samin ang walang suot na pantaas at pawis na pawis na na si Benz na walang tigil na hinihiwa ang mga tennis ball na nanggagaling dun sa makIna. At base sa bilis ng mga pagbato nito ay mukhang naka full speed ito. Ang makinang yun ay may 1000 na binabato na tennis ball kada isang round, at makikita mo kung ilan nalang ang natitirang ibabato nito sa may harapan nito. At nung tinignan ko ito, nasa 100 nalang ang ibabato nito. Grabe, 900 na bola na ang nahihiwa niya at alam kong walang tigil ito, pero ang bilis parin ng mga kilos niya. At di lang yun, isang samurai lang ang gamit niya.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin