Episode 31 - Revealed

1.6K 79 13
                                    

Episode 31 - Revealed


******


Pakitingin sa media. Hibari Kyoya as Baron of Alibara Mafia


( Sorry sa errors :) Dami tong mali for sure hahah bukas ko na to i edit :) antok na ako. )


*********


[3rd Person's PoV] 



"Anong nangyari?" Bakas sa mukha ni Jill ang pagkagulat nang makita niya sina Morpheus na kakapasok lang ng hideout nila. Lalo na sa karga karga ni Quincy.


Mabilis na hiniga ni Quincy ang katawan ni Ross pagkapasok nila. "Nasan ang doctor?!" Tanong agad nito kila Jill. 


"Umalis.." Tulalang sagot naman ni Jill habang nakatingin sa katawan ni Ross. Naliligo ito sa sariling dugo habang may saksak ito sa may dibdib. At wala na itong malay pa. "Anong nangyari kay Ross?" 


Sinubukan itong isalba ni Quincy gamit ang pag pump nito sa dibdib pero di na ito gumagalaw pa. "Gumising ka Ross!"


"Tama na yan, hindi na yan mabubuhay pa." Normal lang ng usal ng lider nila. Para bang hindi man lang ito naapektuhan sa nangyari.


 "Hayop na mga Virgo yan." Hininto nalang ni Quincy ang ginagawa niya dahil imposible na talaga. Nakasandal lang ang ulo nito sa dibddib ni Ross habang nangangatal ang bibig sa sobrang galit. "Magbabayad sila.." Mahinang bulong nito dahil baka marinig pa ito ng ibang kasamahan niya at pigilan siya. 


Malakas namang bumukas ulit ang pintuan at iniluwa dun si Devi na galit na galit. "Akala ko ba malinaw na sa atin ang kasunduan?!" Galit na bungad nito. "Na hindi niyo na gagalawin ang Virgo kapag sasama ako sainyo?!" 


"Sila mismo ang umatake samin, Devi." Mahinahong sagot naman ni Jill. "Sinubukan nila kaming pigilan kaya nagpaiwan na si Ross dun para makaalis kami."


"May lakas ka pang magalit." Rinig nilang singit ni Quincy na dahan dahang tumayo habang nakayuko. "Tayo ang nawalan tapos samin ka pa galit?" Mabilis nitong kinuha ang pole axe niya tsaka sumugod papalapit kay Devi "ARGGHH!!" Sobrang galit na galit ang expresyon ng mukha nito habang pulang pula ang mga mata.


Bubunutin na sana ni Devi ang samurai niya para dumipensa pero mabilis na pinigilan ni Loda si Quincy gamit ang pagpulupot ng kadena niya sa kamay nito na may hawak na sandata. 


"Pakawalan mo ko Loda!!" SInghal nito habang pilit na nagpupumiglas. 


"Di makakatulong satin yang pag iinit ng mga ulo niyo." Kalmadong wika ni Loda. 


"Huminahon nga kayo." Usal naman ni Ermac sa dalawa bago binagsak ang karga karga rin nito na wala ring malay.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now