Episode 25 : Initiation

2K 110 17
                                    

Episode 25 : Initiation



Pakitingin sa media :) Yato God of Noragami as  Maki Puma 


Random Question : Sino sa tingin niyo ang mananalo kung maglalaban sina Kael at Ish sa isang labanan at bakit? :) 


Sorry sa typos and errors :)



*********



[3rd Person's PoV]



-THE NEXT DAY-



VIRGO'S PALACE



"Ngayon darating ang mga Assassin ni Boss Vlad???!!" Di makapaniwalang ulit ni Maki sa sinabi ni Gordon sakanila.


"Oo."


"NGAYON?!" Ulit na naman nito kaya mabilis itong nabatukan. "Aray tanda!"


"Ang bata bata mo pa ang bingi mo na? Oo nga sabi!" Pikon namang sagot ng matanda. Mag aalas siete na ng umaga ng pinatawag sina Maki at ng iba pang tauhan ng palasyo ni Gordon para ipaalam ang balitang iyon. Mabilis naman agad silang sumunod na salubungin ang mga Assassin sa pagdating nila maya maya.


Si Gordon ang pinaka matanda at pinaka matagal na na naging tauhan ng Virgo. Umabot pa ito sa panahon ni Vicenze kaya naman mejo malaki ang posisyon niya sa pamilya at may karapatan siyang utusan ang mga ibang sakop ng Mafia.


 "Dito na rin pala sila titiraaa." Manghang wika ni Maki. "Ang coooool! Makakasama natin ang magagaling na Assassin ni Vlad dito sa palasyo. Sugoiiiii" Dugtong pa nito at tila excited na sa pagdating ng hinihintay nila.


Inaasahan ng mga tauhang nandun na isang sasakyan ang gagamitin ng mga Assassin sa pagpunta nila dito pero nakita nalang bigla ang mabilis na pagsulpot ng tatlong Assassin sa harapan ng napakalaking gate ng palasyo. Sa sobrang bilis talaga ng mga ito ay di mo na mapapansin kung saan ito nagmumula sa tuwing susulpot sila.


Agad namang umabante si Gordon para salubungin ang tatlo.


Nang tuluyang nabukas ang gate ay saglit na yumuko ang tatlo sa matanda. "Kumusta, Gordon." Bati ni Felix. Malaki ang respeto ng mga Assassin ni Vlad sa matandang 'to dahil kasama na nila ito sa mansyon simula bata palang sila. Siya ang nilalapitan nila pag wala si Vlad sa tuwing may mga bagay silang itatanong tungkol sa Mafia.

VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now