Episode 22: Serendipity

1.8K 104 19
                                    


Episode 22: Serendipity


Tinamaan ng kidat yung pc namin kaya nasira at di ako nakapag ud hahaha sorry ngayon lang nakagawa.




*****



[3rd Person's PoV]


Umaga palang naisipan na ni Ish ang gumising at bumaba sa sala. Di siya masyadong nakatulog kagabi at di niya malaman kung bakit. Pagkababa niya, si Hell agad ang nadatnan niya sa may pintuan ng Palasyo habang nakatingin sa labas. 


Lumapit siya dito at tsaka sinilip kung anong tinitignan nito ngayon. "Aga aga sigarilyo agad. Di kana aabot ng 69 years niyan." 


"Kelan ka pa naging doktor?" Sagot lang nito habang di binabaling yung atensyon sakanya. 


"Ano ba yang tinitignan mo?" Sabi nalang ni Ish habang tinatanaw yung mga bodyguard ng mansyon na pakalat kalat sa labas.  "Kaya minsan ayaw ko talagang manatili sa palasyong to. Masyadong madaming tao." Dugtong niya.


"Bakit jan sa labas nag eensayo yang isa na yan?" Tukoy ni Hell dun sa batang myembro ng palasyong to na kaharap ang isang parang dummy na katawan ng tao. Nung mahagip naman ni Ish na palihim na tumitingin yung bata sakanilang direksyon ay mabilis itong napa poker face. "Magpapa kitang gilas. -_-"


Di naman matanggal ang excitement sa mukha ni Maki habang palihim niyang tinitignan ang dalawa sa mga iniidolo niya na nakatingin sakanya.


Nice one! nandito rin si master Ish. Oras na para magpakitang gilas ako para pumayag na silang sumali ako sakanila heheheheeee.


Mula sa nakangising mukha ay mabilis pa sa alas kwatro itong sumeryoso nung hinarap niya ang isang dummy na katawan ng tao.


Bigla itong dumukot ng kung ano sa isa may bulsa niya at tsaka hinawakan ito at maya maya pa, bigla niya itong hinagis sa ere, at dun lang napansin nina Ish na mga karayom pala ito.


Sobrang liksi ng kilos ng bata habang inisa isang kinukuha at tinutusok ang mga karayom dun sa dummy. Halos lagpas sampu naman ang naitusok niya sa katawan nito bago bumagsak lahat ng karayom sa lupa. 


Pagtapos ng ginawa niya ngumiti ito ng maangas sa direksyon nina Ish at pataas taas pa ito ng kilay---pero mabilis din itong napalitan ng bugnot na mukha nung makita niyang wala man lang reaksyon yung dalawa.


Di ba sila namangha sa ginawa ko? *pout*


Nakarinig naman siya ng isang mapang asar na tawa sa likuran niya dahilan para ibaling niya ang atensyon dito. Isa to sa mga bodyguard ng Palasyo.


VENDETTA  (BOOK 2) [COMPLETED]Where stories live. Discover now