Ewan kung bat nya binuksan ang topic na iyon. Syempre gusto ko rin para mas mapalapit pa ang loob ko sa kanila. Pero gusto ko ring na tinirhan namin? Marami kaming masasayang alaala kasama si mama. At yung Thirs Tea na pansamantala muna naming isinara. Hindi naman pwede na basta na lang iwan sa nagtatrabaho doon.

"Naisip ko na rin kuya. Pero ayoko namang iwan ka. Pati na rin yung bahay na kinalakihan ko na." Sagot ko

Ngumiti si kuya habang patuloy pa rin kami sa pagsayaw.

"Malay mo babybunso.. Oras na para makasama mo din sila."

"Kuya..."

Tinitigan nya ako sa mata.

"Alam kong nangungulila ka sa kanila. Kahit ayaw mo sabihin gusto mo silang makasama." Kuya

Nangilid ang luha ko.

"P-pero ayoko na iwan ka kuya. Kung gusto mo, s-sumama ka na lang sa akin doon. Sigurado naman ako na papayag sina mommy." Ako

"Babybunso, ayokong iwan ang bahay. Yun na lang ang malaking bagay na nagpapaalala sa akin kay mama. Nandoon lahat ng alaala natin pati na rin ang kay papa." Kuya

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan agad ito ni kuya.

"Wag ka umiyak, papanget ka nyan."

Sinubukan kong hindi muling mapaluha.

"Ayos lang naman sa akin na tumira ka doon sa totoo nyong bahay. Gustong-gusto ka ring makasama nina Cliff pati na rin si tita Eiyah."

"Totoo ko rin namang bahay yung bahay natin ah." Sambit ko.

"Oo nga. Pero ayaw mo ba makasama ang tunay na pamilya mo?" Kuya

Napaiyak na ulit ako.

"Tunay ko din naman kayong pamilya. B-bakit kuya, ayaw mo na ba akong makasama? Pinapaalis mo ako!"

"Hindi ganun babybunso. Narealize ko lang na masyado na akong nagiging madamot. Ayoko namang maging dahilan para hindi makumpleto ang pamilya nyo. Tsaka pwede mo naman akong dalawin o ako ang dadalaw sayo! Magkikita at magkikita pa rin tayo okay? Ako ang numero unong kuya mo diba? Hindi pwedeng mawala ako sa istorya ng buhay mo no! Mababawasan ng gwapo! Yung pinakagwapo pa!" Kuya

Medyo nangilid rin ang luha nya. Maya-maya ay dahan-dahan akong napatango bilang pagpayag.

"B-basta ba araw-araw ka dadalaw dun. Kung hindi uuwi ako sa bahay natin." Pananakot ko.

Tumawa lamang sya at hinalikan ako sa noo.

"Mahal na mahal kita babybunso, tandaan mo yan."

Ilang saglit pa ay lumapit si kuya Cliff sa amin. Bahagyang kumunot ang noo nya nang makitang bahagyang namamasa ang mata ko.

"Oh ikaw naman talampas. Ingatan mo kapatid ko kundi tatadyakan kita." Kuya Khian

"Baka nakakalimutan mo, kapatid ko din yan." Kuya Clifford

Hinalikan muna ni kuya uno ang noo ko at tinapik ang balikat ni kuya Cliff. Bago sya umalis ay niyakap at hinalikan ko sya sa pisngi.

"Love you kuya kong abnormal." Sambit ko.

"Tsk tsk. Love you too babybunso."

Pinanood namin syang umalis. Kami naman ni kuya Cliff ang nagsayaw.

"Bakit ka umiyak lil sis?"

"Wala yun kuya. May sinabi kasi si kuya uno eh." Sagot ko

Pinakatitigan naman nya ako ng mabuti.

"You sure?"

Tumango ako at ngumiti.

"Siguradong-sigurado. Sya nga pala kuya, ahm uuwi na po ako sa bahay natin."

Kita ko ang gulat sa mukha nya.

"For real? Hell, mom and dad will be happy for sure!" Bakas sa tono nya ang saya.

Napangiti ako. Medyo malaki rin pagkukulang ko. Nagtuloy kami at maya-maya si Nash naman ang pumalit.

"Hey there pretty lady in black."

Pabiro ko syang inirapan.

"Well hello mister. Gwapo mo rin ngayon." Binuntunan ko pa ito ng mahinang tawa.

Nagkatitigan kami kaya bahagya akong nailang.

"I badly wanna kiss you right now. But I know you wouldn't like it so..."

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakatitig sya sa labi ko. Dahan-dahan iyong lumapit at natigilan ako nang maramdamang lumapat ang labi nya malapit sa labi ko. Nanlaki ang mata ko.

"I love you nerdy girl." Bulong nya.

Nakarinig kami ng tikhim. Nakita namin sa gilid si Vincent at seryoso ang mukha nya.

"Ako naman." Sambit nya.

Tiningnan pa ako ni Nash bago ibinigay ang kamay ko kay Vincent.

Nagsayaw kami nang wala na si Nash.

"May gusto ka ba kay Nash?" Biglaan nyang tanong.

"H-huh?"

"May... gusto ka ba sa kanya? Sya ba ang gusto mo sa aming dalawa?" Tanong pa nya.

"A-ano bang sinasabi mo dyan?"

Sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Kalimutan mo na lang ang tanong ko." Biglang bawi nya.

Nakangiti na sya sa pagkakataong iyon. Ilang minuto rin kaming nagsayaw bago ako nag-aya na maupo na. Akmang tatalikuran ko na sya nang tawagin nya ako.

"Keesha."

Paglingon ko ay naramdaman ko ang malambot na bagay na dumapo sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. Isang segundo lamang iyon pero sobra ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang bumagal pa ang paligid.

"I love you, Keesha."

Tinalikuran nya ako pagkasabi non.

Nawala ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko walang pumapasok sa utak ko na meron. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa labas. Sa may gilid kung nasaan nakaparada ang mga sasakyan.

Ano bang nangyayari sa buhay ko?

"Malamig rito sa labas iha. Maiging pumasok ka na lamang sa loob."

Nilingon ko ito at nakita kong si mayor Queron. Parang kakaiba ang ngiti nya.

"Pero mas maigi rin na narito ka... Para makapag-isip kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo." Sambit nya pa.

Hindi ako makapagsalita. Nagpaalam na sya at pumasok na sa loob. Nanatili pa ako roon at binati ang ilang guwardiya na naglilibot doon. Bumuntong hininga ako bago napagdesisyonang bumalik sa loob.

Pagkatalikod ko ay nakarinig ako ng sasakyan. Nilingon ko ito at nakita ko ang isang itim na van. Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lamang ang dalawang lalakeng may suot na bonet ang bumaba at may itinakip sa ilong kong panyo.

Sinubukan kong manlaban ngunit nanghihina na ako. Binuhat ako papasok sa van at narinig ko ang pagsigaw ng kung sino at putok ng baril bago dumilim ang lahat...













































~Vote if you want, and I would really appreciate it if you leave some comment.

Lovelotsss signor/signora. Ingat po tayo sa COVID-19.

<<333










She's Not Just A Nerd! (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon