❤Chapter 48❤ Do I know you ?

220 17 0
                                    

Art's POV

We're still waiting for Kath to woke up. And it's been 1 and a half hour and we're still waiting. Napansin ko naman na parang kami nalang tatlo ni Tita at Clark ang nasa loob ng Room. I texted Kris.

To Kris:

Kris. May gusto lang akong sabihin kay Kath. Kindly bring Tita and Clark to a Restaurant. Aliwin niyo muna sila. Sabihin niyo nalang na ako muna ang magbabantay kay Kath.

Sana oobra to. Narinig to naman na bumukas yung pinto and there, I saw Kris entering the room.

"Clark, Tita. Kain muna tayo sa labas." aya ni Kris sa kanila.

"Pa'no si Kath ? Sino magbabantay sa kanya ?" tanong ni Tita.

"Nandito naman si Art, Tita. Siya muna magbabantay." sabi ni Kris.

"Kung maiiwan lang 'yan dito, dito nalang din ako. Baka kung ano pang gawin niya kay Kath." sabi ni Clark. Nainis naman ako sa narinig ko pero pinigilan ko ang sarili kong magalit ng husto.

"Sumunod ka nalang Art pagkadating ni Felix. Sila muna ni Karla ang magbabantay dito. Pero sa ngayon, sasamahan muna kami ni Karla." sabi ni Kris. Parang alam ko na ang plano ni Kris. Ang talino talaga ng kaibigan ni Kath. "And you Clark. Alam kong gutom ka na kaya iwan mo na si Art diyan." sabi ni Kris kay Clark. Tumayo naman si Clark. Tumingin muna siya sa akin ng pagalit at umalis na kasama si Tita.

Kris's POV

Nung nakalabas na kami ng room, yun din ang pagdating ni Felix dala-dala ang napakaraming pagkain at prutas.

"Oh. May pagkain naman palang binili eh, bakit kailangan pa nating lumabas ?" tanong ni Clark at akma sanang papasok ulit pero pinigilan ko.

"'Di naman kasi yan para sa atin." sabi ko kay Clark.

"Sa dami niyan ? Eh sinong kakain niyan ?" tanong ni Clark. Hawak ko pa din siya, baka kasi makatakas ulit to.

"Kay Art at Kath lang to." sabi ni Felix na parang nadismaya. Akala niya siguro kami ang kakain. Pero kami naman talaga sana kung 'di lang ako inutusan ni Art.

Pumasok naman si Felix sa loob ng room at iniwan sa loob ang mga dala niyang pagkain at lumabas na. Wala pa namang sinasabi si Art kay Kath. Baka hinihintay niyang umalis kami.

"Tara na." aya ko sa lahat.

Art's POV

"Kath. I know you can hear me. Kaya lulubusin ko nang araw na to para sabihin sa'yo ang lahat. Sorry to say everything late to you. Actually, wala naman talaga akong planong sabihin sa'yo ang lahat. Ayoko kasing masaktan kita. 'Di ko gustong makita kang nasasaktan." i said and my tears started to fall.

"Do you remember the first time that we've met ? Yun yung araw na nagsimula yung pagtingin ko sa'yo. 'Di ko lang pinapahalata kasi ayokong mag-expect na magkakagusto ka din akin. Nung sa Food Court. Sa totoo lang, sinusundan naman talaga kita nun eh. 'Di mo lang nahalata kasi ang bilis mong naglakad nun..."

"Nung pumasok ka na sa Food Court, tumayo muna ako sa labas at minamasdan lang kita. Kita naman sa labas kung anong ginagawa mo kasi naka puro transparent glass yung Food Court. Nung nakita kong nakaupo ka na sa pinakagilid, pumasok na ako at bumili din. Naisipan kong tumabi sayo at successful naman ako sa pagtabi sayo. 'Di ka nagreact kasi 'di ka tumitingin sa akin. Sa halip na kumain, tinitigan lang kita. Ang cute mo pala Fre kapag takaw na takaw ka sa pagkain..."

"Teka. Sasabihin ko na lang ng diretso yung gusto kong sabihin Fre. 'Di na ako mag i story telling pa. Alam ko naman na naaalala mo pa yung mga panahon na yun."

"Thank You Fre for being my friend. My buddy. You're the only person who really know the real me. But I am sorry because you're the only person who don't know what I feel. Sorry for those secrets that I've kept to you. Sorry kung nag-aalala ka sa tuwing nawawalan ako ng malay. Sorry kung 'di kita pinrotektahan. Sorry kung nagkaganito ka. Sorry Fre. Kung okay ka na. I am going to tell you everything." i said and I cry.

Kris's POV

Mabilis lang kaming natapos kumain. Wala naman daw kasing ganang kumain si Tita kaya kami lang ang kumain. Pinipilit namin siyang kumain pero busog daw siya. Si Clark naman, konti lang yung kinain niya. Kaya kaming tatlo ni Felix at Karla, kinontian nalang din namin ang pagkain.

Pabalik na kami ng room ni Kath nung narinig naming may umiiyak sa loob ng room. It was Art. Nabahala naman ang lahat bukod kay Tita. Tita don't know anything.

"Si Art." pabigla kong sabi.

"Why ? Anong meron kay Art ?" takang tanong ni Tita.

"'Di mo maiintindihan Tita kung kami ang mag eexplain. Si Art lang ang makakapag explain neto ng maayos sa inyo ni Kath." sabi ni Felix na siyang unang nakaalam ng karamdaman ni Art.

Pumasok kaming lahat sa Room ni Kath and there we saw Art crying in front of Kath. Alam kong bukod kay Tita, si Art ang pinakanasaktan sa nangyari. Lumapit ako sa kanya dala ang tubig na binili kanina ni Felix.

"Art." tawag ko pero 'di niya ako pinansin. Hinawakan ko siya sa likod niya at pinatahan ko siya. Pinasandal ko naman siya sa akin at tinahan ko ulit siya.

Nung tinignan ko yung nasa likod ko, nakita ko sila na nag-aalala kay Art.

Clark's POV

When I saw Art really crying in front of Kath, naisip ko, nasaktan talaga siya sa nangyari.

Should I give up ?

Kris's POV

When I turned my eyes to Kath. I saw her eyes widely opened but looking straightly to the ceiling.

"Oh My. Bes. Gising ka na." mangiyak-ngiyak kong sabi. Lumapit naman kay Kath sina Tita, Felix, at Karla.

"Kath. Do you feel anything ?" tanong ni Tita kay Kath and she nodded. 'Di siya nagsasalita.

"Kath. Sorry." sabi ni Felix. Tinignan lang naman siya ni Kath at nginitian niya lang si Felix.

"Wag mo nang isipin yun Felix, ang importante ngayon is gising na ako." sabi ni Kath. Nabigla naman ang lahat nung nagsalita na si Kath.

"Bes." sabi ko sabay lapit sa kanya at niyakap ko siya.

"Aray bes. 'Di ako makahinga." inalis ko naman yung sarili ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

Nilibot niya ang paningin niya at tinignan niya si Art na kanina pa walang sinasabi at titig na titig lang kay Kath. Nagkatitigan lang silang dalawa. Kita mo naman sa mukha ni Art ang saya. Pero si Kath, parang nagtataka.

"Do I know you ?" tanong ni Kath kay Art at nginitian niya lang si Art.

--------------------

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now