❤Chapter 4❤ Closefriend "Fre"

673 49 0
                                    

Kath's POV

Lumabas ako ng kwarto ni Art. Nararamdaman ko pa din yung sakit ng pwet ko. Pagkababa ko, nasa sala pa din si Kris kay lumapit ako sa kanya. "Huhuhu, Bes!" Mangiyak ngiyak akong lumapit kay Kris.

"Oh, Bakit?" sabi niya. Nagging concern naman yung reaction  iya nung nakita niya ako.

"Huhuhuhu!" iyak pa din ako. Pero walang luha na lumalabas.

"Anong Nangyari?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Oh!" Pinakita ko puwet ko.

"Hala! Binigay mo na? Eh kakakilala mo pa lang kay Art ah..." pinagsasabi neto? "...Wag mong sabihing nahulog ka sa isang tingin. Bakit? Masara--- 'PAK💢'---ARRAAYY!" pinalo ko siya. Mahinang pagkakapalo lang, yung medyo may mafefeel lang siyang sakit.

"Pinagsasabi mo bes?" ani ko sa kanya. Eh, Kung ano pinagsasabi.

"Bakit? Mali ba ko nang hinala? Kung ganun, anong nangyari..." tiningnan nya puwet ko. "...sa puwet mo?" sabi niya.

"Eh kasi..." Aish. Sabay hawak ko sa puwet ko. Ansakit talaga eh. Di pa rin nawawala. "...nadulas ako sa room ni Art, napakalakas talaga ng impact ng puwet ko sa sahig.Di ko kinaya."

"Yaan mo na. Mawawala din yan mamaya. Tiis lang!" sabi niya sa akin. Pero, Oo nga naman. Di naman siguro to magtatagal. Walang bagay na kusang dadating ang magtatagal ng pang habang-buhay.

TUMAHIMIK KA KATHNESE !

"By the way Kath, Uwi na ko ahh. Tumawag kasi Mama ko kanina eh. Tsaka bilin sa kin ni Tita kanina na sabihin ko daw sa'yo na late na siyang uuwi mamaya. May Inasikaso lang daw kasi sya." sabi niya sa akin. At aba, nakuha pang magbilin ni Mama. Palagi naman siyang umaalis dahil palaging busy. Pero, I know that everything she does is for the sake of our family. My Family.

"Ano daw?" tanong ko kay Kris. Sa totoo, alam ko naman talaga ginagawa ni Mama. Trabaho dito, trabaho doon. Kapag ako nakatapos, ako magpapatuloy ng pinagtatrabahuan niya.

"Di na sinabi eh. K. Bye na Kath! Saranghae Ban Chinggu (I Love You My Friend)" nagpaalam na si Kris.

"Bye Kris. Nado Saranghaeyo. Jeongmalyo. (I Love You Too. Very Much)" sabi ko naman sa kanya tapos nag hug kami. Umalis na siya ng bahay namin. Mukhang busy pa din naman si Art sa pagaayos ng nga gamit niya sa kwarto niya. Ako? Nanunood ng Doraemon. Mula kasi pagkabata, eto na yung nagging paborito kong panuorin. Dahil na rin siguro sa Kulay at Gadgets ni Doraemon. Haha.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now