❤Chapter 33❤ Ticket

242 21 0
                                    

Art's POV

Naggising ako na napakasakit ng ulo. Naisipan kong wag munang bumangon. Bukod kasi sa masakit ang ulo ko, masakit din yung katawan ko pati yun puso ko. Tss.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

Andito na naman siya. Bumaba ako ng kwarto ko pero grabe yung sakit ng ulo ko kaya todo kapit ako sa gilid ng hagdan. Ayokong mahulog ulit. Masakit na.

Papunta akong kusina. I saw the reflection of myself at the glass. Ang haggard ko. Ang gulo ng buhok ko. Mabango naman ako. Kaso may alak ka talagang maaamoy ng konti. "Uurrb.!" Nasusuka ako. Aish. Tumakbo ako papuntang banyo. Dun ko nilabas lahat. Lahat ng hinanakit ko sa buhay. Di joke lang. Pero kung pwede lang, ilalabas ko na din yung sakit na nararamdaman ko. Pero I DON'T KNOW.

Nung natapos ako, hinanap ko phone ko. Kinapa ko bulsa ko pero kakagising ko nga lang pala. Di ako naglalagay ng phone ko sa bulsa ko kapag matutulog ako. Pumunta ako sa kwarto ko. Pero wala pa dun ang phone ko. Naisipan ko nalang magbihis. Hahanapin ko na lang yun. Dami ko pa namang mga importanteng bagay na nilagay dun.

I'm on my way to Felix's House. Baka sakaling naiwan ko sa sasakyan niya yung phone ko.

*Ding Dong*

Sinalubong ako ng House Maid nila. Ang ganda ng maid.

"Nandiyan po ba si Felix ?" tanong ko sa maid.

"Nasa loob !" sabi sa akin ng maid. Pinapasok naman niya ako. Tapos sinabi niya sa akin na pumasok nalang daw ako. Aasikasuhin pa daw niya yung mga bulaklak niya. Sa kanya daw eh.

Pumasok ako sa loob ng bahay ni Felix. Pero tumambad sa akin ang mukha ni Clark. But, nginitian ko lang siya. Hilaw na ngiti. Ewan. Pero pag nakikita ko siya, umiinit yung ulo ko. Pero buti marunong akong magpigil kundi naupakan ko na to.

Lumapit naman si Felix sa akin. "Oh, Anong meron bro ? Bakit ka nandito ?" tanong sa akin ni Felix.

"Itatanong ko lang sana kung nakita mo ba phone ko. Wala kasi sa akin eh." sabi ko sa kay Felix.

"Wala Bro eh. Pero try kong tignan sa kotse ko. Baka nandun lang." sabi niya. Pinuntahan naman namin yung kotse niya. Actually nasa bahay lang niya yung kotse niya. Pangalawang beses na naming chineck yung kotse niya pero wala dun yung phone ko.

"Baka wala nga dito." sabi ko.

"San ka last pumunta kahapun ?" tanong niya. Actually nakapag text pa ako kay Felix kagabi. Pero di ko na alam kung asan ko nilagay yung phone ko. Sa Bar.

"Sa Bar lang ako kagabi." sabi ko. "Oo nga, sa Bar." ulit ko. "Sige Bro, alis muna ako. Pupuntahan ko yung Bar." paalam ko sa kay Felix.

"Sige Bro." sabi niya.

Felix's POV

Bumalik ako sa loob ng bahay. Andun pa pala si Clark. Buti di sila nagkainitan.

"Ano daw ?" tanong sa akin ni Clark.

"Huh ?" sagot ko. Di ko kasi maintindihan kung anong ibig sabihin niya.

"I mean, bakit nandito si Art ?" tanong ulit niya. I am not going to say the truth why Art is here.

"Uhm. May tinanong lang tungkol sa kotse. May bibilhin daw kasi siya eh." pagsisinungaling ko.

"Ahh. Okay !" tapos binalik niya ang atensiyon niya sa TV.

Art's POV

Pinuntahan ko naman yung Bar kung saan ako naglasing kagabi. Wala masyadong tao sa Bar. Gabi lang siguro maraming tao dito.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now