❤Chapter 11❤ Mall

454 35 0
                                    

Kath's POV

1 week ang dumaan. Pero presko pa rin ang mga nangyari. Yung noo ni Clark at ang pagkawalan ng malay ni Art na nauwi sa X-Ray Scanning. Okay lang naman daw siya. Wala naman daw mali sa heart niya. Sabi niya yun.

Nasa bahay kami ngayon. Si Art, nasa kwarto niya, gumagawa ng Scrapbook. Ako naman, busy sa pagli layout ng mga pictures na ipi print namin para sa Scrapbook.

Ayan. Natapos rin.

Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako. Pumuntang kusina at kumuha ng Cookies at Juice. Naisip ko si Art kaya kumuha ako ng maraming cookies, nilagay sa plate tapos another glass ng juice. Then umakyat ako papunta sa room ni Art dala yung snacks.

*Knock Knock*

"Art ! Fre !" tawag ko sa kanya.

"Ano yun Fre?" ani niya.

"Pabukas ng pinto. May dinadala kasi ako eh." sabi ko sa kanya.

"Teka lang Fre!" sabi niya. Baka di pa nga siya tapos sa Scrapbook niya.

*Door Open*

(⊙_☉)

"Bat ka nakahubad. Kadiri ka ! Magbihis ka nga." sabi ko sa kanya. Nakalantad sa akin yung katawan niyang shirtless. Ugh. Kahit kailan, ang hilig maghubad ng lalaking to. Adik ba to? Di ko pa naman matakpan yung mga mata ko dahil may dala dala akong tray.

"Anong nakakadiri? Di ka pa ba nasasanay sa mga Abs at Muscles ko?" sabi niya sabay flex niya sa mga braso niya.

"Oh siya siya. Mag t-shirt ka. Snack muna." sabi ko sabay abot sa kanya ng tray. Pumasok ako ng kwarto niya. Ang daming kalat. Mga ginupit na papel.

"Ang kalat ata ng kwarto mo Fre ah!" sabi ko sa kanya.

"Ngayon lang to makalat! Yung Scrapbook kasi eh." sabi naman niya.

"Bakit? Di mo pa ba natatapos yun?" tanong ko.

"Malapit na!" sabi niya. Mukhang malapit na nga siyang matapos.

"Gaano Kalapit?" tanong ko ulit.

Lumapit siya sa akin at..."Ganito!" Magkalapit yung mukha namin. Ako naman yung lumayo.

"Hmm. Ubusin mo lahat ng dala ko huh." utos ko sa kanya.

"Ubusin? Kawawa yung Abs ko neto." pagyayabang niya. Sabagay, abs naman talaga siya.

"Abs mo mukha mo. Eh ang liliit pa niyan oh." pang-aasar ko sa kanya. Sabay pisil ko sa tiyan niya. Nananching lang. Haha

"Anong maliit? Eh malalak---"

"Oo na. Tahimik na. Malalaki na yan." putol ko sa sasabihin niya. Oo na. Siya na masar--- este maganda katawan.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon