❤Chapter 30❤ I'm Sorry

259 21 0
                                    

Kath's POV

Naglalakad ako patungo kung saan nakaupo si Art.  Di na siya nakayuko ngayon, maayos na ang pagkakaupo niya pero nakapikit lang siya. Ano kaya iniisip niya ?

"Fre." tawag ko sa kanya. He opened his eyes pero di siya tumitingin sa akin. "Fre." Tawag ko ulit sa kanya at lumapit na ako. Umupo naman ako sa tabi niya. Di pa rin siya tumitingin sa akin. "Fre, May problema ba ?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin. He looked me in the eyes tapos binalik niya yung tingin niya sa iba. "You didn't deserve to know." sabi niya sa akin.

"Bakit ? Kaibigan mo naman ako ah. I must be the one too who deserves to know what's your problem." sabi ko sa kanya. Nag-aalala ako sa kanya pero di man lang niya sinasabi sa akin kung anong nangyari sa kanya. "Ano ba talagang nangyari ?" tanong ko sa kanya.

"Long Story." sabi niya.

"Then make it short." mahina kong sigaw. Yung kami lang ang makakarinig. Actually, wala naman masyadong tao dito sa inuupuan namin.

Tumahimik naman at parang may iniisip si Art. Aish. Kung mind reader lang sana ako, edi sana nabasa ko kung anong iniisip niya.

Art's POV

"Then make it short." pasigaw niyang sabi sa akin. But still, I don't want to hurt her.

May Heart Enlargement ako. My heart grows bigger compared to its normal size. Nangyayari lang siya kung ninervous ako, naggagalit, napapagod, at kung lumalakas yung tibok maybe because of love or maybe jealous or i don't know.

"Nahulog ako sa hagdan ng bahay ko kagabi." sabi ko sa kanya. "I'd call Felix to help me rather than calling you." Tumingin ako sa kanya and hold her hand. "I don't want to hurt you Kath."

"Eh mas nasasaktan ako ngayon Fre. Why ? Because you hide your problems by yourself." She's crying. That cry makes my heart feel pain. That's the reason why I didn't tell her the accident last night. "You're so selfish Fre. Andito naman ako palagi para sayo ah. Kahit magalit ka man sa akin, I didn't surrender, mapaamo lang kita."

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya. Pero sa ngayon, mas nasasaktan ko yung damdamin niya. I grabbed her arms and I walk while holding her.

"Saan mo ako dadalhin Fre ?" he ask to me but I just did continue to walk.

Kath's POV

Bigla na lang niya akong hinatak. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pumasok kami sa loob ng campus. May mga ilan pang studyante ang hindi pa umuuwi. Yung iba nag dedate pa, yung iba mga barkada nila ang kasama nila, at yung iba naman ay mag-isa lang pero hindi naman sila nalulungkot.

Pumunta kaming Parking Lot. Pinasok niya ako sa kotse niya. "Call Kris to grab your Car. Sa akin ka sasakay ngayon." Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Tinawagan ko naman si Kris and kukunin daw niya ang kotse ko. May tiwala naman ako kay Art.

Inayos niya yung seatbelt ko. Lumalapit naman yung ulo niya sa akin kaya naaamoy ko yung mabango niyang buhok.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

When he finished putting the seatbelt, he looked me in the eye. Hindi pa siya nakakabalik sa driver's seat kaya sobrang lapit namin ngayon. Iba ang titig niya sa akin ngayon compared sa mga titig niya the past few days. Lumapit naman yung mukha niya sa akin. "Ay, Fre !" He tried to kiss me but i'd ignore it. May boyfriend ako. Ayokong magging kabit si Art. "Kung gusto mo ng kiss, to your Girlfriend mo dapat gawin." Bumalik naman siya sa Driver Seat.

"Sorry." sabi niya sa mahinang boses. Actually, magkatabi kami and I don't feel comfortable. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Naramdaman ko na lang na nauntog ako. "Aray!" Nakatulog pala ako.

"Sorry Fre ! Nalakasan ko ata ang pagtapak  sa brake." Ayan na naman siya sa sorry niya.

"Saan tayo Fre?" nasa isang madilim na daan kami. Sa unahan naman ay may mga ilaw ng street light at may mga bahay na din.

"Uwi na tayo!" sabi niya sa akin. Wala pa rin yung energy niya dati kung kinakausap ko siya.

"Sure ka Fre ? Wala kang gustong puntahan ?" Nag expect kasi ako eh. Akala ko pa naman maganda yung pupuntahan namin. Nagdrive ulit siya. "Saan tayo Fre ?" tanong ko ulit sa kanya.

"Sa tapat ng bahay niyo." Mahina lang niyang pinatakbo yung kotse niya. Nadaanan namin yung pinangyarihan ng aksidente noon. Yung muntikan na akong mahold up or maybe mapatay. Gabi kasi nangyari yun kaya mas maiimagine mo yung crime scene nang mabuti. At naalala ko din na siya yung nagligtas sa akin at nung pumunta siya ng hospital nang walang kaalam-alam na nasa bahay lang pala ako dinala nun.

Nung nakarating na kami, itinapat niya ang kotse niya sa harap ng gate namin. Lumabas siya at bubuksan niya sana ang pinto pero di ko siya hinayaan na gawin yun, ako na ang mismong nagbukas. Nag expext kasi ako eh. Kainis.

Naglakad na ako papuntang gate. Di ko na siya pinansin. Nadisapoint nga ako eh. Ang laki kaya ng expectation ko. Binuksan ko na yung pinto ng gate namin pero may naramdaman akong may yumakap sa akin mula sa likod. "I'm sorry." Nakadikit yung katawan niya sa likod ko at naramdaman ko yung lakas ng heartbeat niya. Nakalublob naman yung ulo niya sa balikat ko kaya nararamdaman ko yung init ng paghinga niya. Then may tumulong parang tubig sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya. "Ano ba kasing problema Fre ?" Nakita ko naman yung mukha niya, umiyak nga siya.

He just smiled at me and he left. As of now, nasasaktan ako. Bakit kailangan niyang maglihim sa akin ng problema niya ?

----------------------------

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang