❤Chapter 7❤ Many Q's

541 40 0
                                    

Kath's POV

Pano kung sa akin nangyari yun ?

Makakaya ko kaya ?

Makaka-move on kaya ako ?

Nasa Library ako ngayon at patuloy ko pa ring iniisip yung nangyari kanina at kung ano ang gagawin ko kung ako ang nasa posisyon nung babae. Kawawa kasi yung dalawa eh. Wala akong choice kundi silang dalawa ang kaawaan. Ang unfair lang kung may bias ako sa kanilang dalawa.

*FLASHBACK*

Nag tingin tingin ako sa buong campus. Tapos may nakita akong may nagkakagulong mag couple malapit sa may Flower Garden ng school. Parang may masamang mangyayari sa kanilang dalawa kaya bumaba ako ng building at ng pagkababa ko, naghanap ako ng lugar na makakatago ako mula sa kanila at marinig yung pinag uusapan nila. Chismosa ako ngayon. Ngayon lang.

Boy: I think this wont work out anymore. I think, this is just a mistake.

Wow. English. Pero mukhang may nangangamoy break up. haha. Halata kasi sa narinig kong sabi ni Mr. Boy.

Girl: Mistake? Ako ba ang mistake? O naging mistake ako dahil mahal mo pa ex mo?

Woaw. Kasalanan pala to ni Ex eh. Makita ko lang yang mga Ex na yan, papasuntok ko yak kay Art.

Boy: No, Its not---

Halos mangiyak ngiyak na yung babae. Or should I say Iiyak na talaga yung Babae. Namumula na yung mukha niya.

Girl: Tama ako eh no ? This is all about your ex. Tapos ako pa ? Ako pa ang mistake ?

Mistake ? Kahit kailan, 'di magging mistake ang magmahal ng totoo Girl. Kagaguhan na lang talaga ng mga boys kung sasaktan nila tayo.

Boy: We don't deserve each other.

Eh sino ? Sa ibang tao ? G*go pala tong lalaking to eh. At tuluyan na ngang umiyak ang babae. Kawawa sya. Promise.

Girl: Alam mo Art ! Sana naging totoo ka nalang ! Sana sinabi mo nalang sa akin na kaya mo ako iiwan dahil ipagpapalit moko sa ex mo.

Hala. Art din pangalan nung lalaki. Cute sya pero mas cute ang Fre ko kesa sa kanya.

Boy: Rock ! Hindi---

Girl: Your Right. This is just a mistake. I was mistaken. Akala ko Mahal mo ko !

Patapusin mo muna si Art girl. Ano ka ba ! Kahit nasa side ako ng mga Girls, may awa naman ako sa mga boys. Tayo din kasi Girls, bago makapag react, alamin din muna natin yung mga feelings ng lalaki. We must have to know their side.

Umiyak na yung babae at umalis papalayo sa lalaki. Tinatawag naman nung lalaki ang babae pero ayaw na makinig nung babae. Maski naman ako. Masakit sa side ko na--- (⊙_☉) este, di ko pala alam ang dahilan nung dalawa.

Nung makita kong umalis na yung lalaki, lumabas naman ako sa lungga ko at umalis na din.

*END OF FLASHBACK*

Ayun. Naghiwalay sila ng hindi ko alam ang dahilan. Pero, ano namang Care ko ? I'd better mind my own business.

"AISH!" malakas kong sabi kahit wala akong pinagsasabihan.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now