❤Chapter 14❤ The Truth Behind Everything

352 33 0
                                    

Kath's POV

Sabado. Walang pasok. Naipasa na din naman namin yung Scrapbook sa tamang panahon, araw at oras. Haha. Detailed.

"Fre !" Tinawag ko si Art na nasa kwarto lang niya. Magpapaalam lang ako.

"Ano yun Fre ?" sagot niya.

"Punta lang ako kina Kris." sabi ko.

"Wag ka na bumalik huh." sabi naman niya. Lakas talaga mang-trip ni Art eh. Masasanay na ba talaga ako ? Sabi ko nga Oo eh.

"Panong Hindi. Eh Bahay ko to." sabi ko naman with some energy na pwedi kong ibuga anytime, anywhere.

"Oo na. Bumalik ka huh!" sabi niya. Ayun. Alam ko namang mamimiss niya ako kung di ako babalik eh. Haha. Kapal ko din.

"Opo. Mamaya pa siguro ako babalik. Magluto ka ng kakainin mo huh." sabi ko. Tapos lumabas na ako ng bahay. For sure, Buong umaga, nakamukmok lang yun sa kwarto niya. Laro lang ng Video games tapos kakain at babalik ulit sa paglalaro. Haha. Kumbinsado ko na mga ginagawa niya. Haha.

*Ding Dong*

"Uie Bes ! Anong sa atin ?" bati sa akin ni Kris. Binuksan naman niya yung Gate ng bahay nila.

"Wala lang Bes. Boring kasi sa bahay eh kaya naisipan ko na pumunta dito sa inyo." sabi ko in a matter of fact.

"Eh si Art ba ?" tanong niya.

"Ayun. Parang nahuhulog na ako." mahina lang ang volume ng boses ko ng sinabi ko yun.

"ANO YUN ?" gulat niyang tanong. Hininaan ko na nga lang yung boses ko eh para walang makarinig. Pero kung gaano kahina yung akin, Triple naman yung lakas nung sa kanya.

"Wala yun !" sabi ko. Haha. Narinig niya eh. Alam kong narinig niya.

"Anong wala? Narinig ko. Sino na ang nahuhulog ?" tanong niya.

"Ah. Yung ano. Yung mga dahon sa puno." pagsisinungaling ko. Nagkusang loob na akong pumasok sa bahay nila. Nakatalikod ako mula kay Kris.

"Bes. Narinig ko talaga eh." sabi ulit niya. Wahhh(ㄒoㄒ). Patay ako neto. Lumandi yung bunganga ko eh.

"BEEESSSS !" sabi ko sabay lapit sa kanya. Uma acting ako na parang umiiyak.

"BESSSS !" sabi niya din. Sinabayan naman ako niya ako sa kabaliwan ko.

"Sa kwarto mo muna tayo. Ikukwento ko lahat Bes. Di ko na kaya mag sikreto." sabi ko sa kanya. Gusto kong magging open sa Bestfriend ko.

"Oh sige bes. Tara na sa kwarto ko! Excited na ako." ayun. Yung iyakan na drama niya, naging energetic na drama bigla.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon