❤Chapter 25❤ Chopsuey

308 21 0
                                    

Art's POV

"Palabasin mo na ako ! Please !"

Ang tigas din ng ulo ng babaeng to eh. Sinabing di siya pwedeng lumabas dahil sa sakit niya at tsaka bilin sa akin ng mama niya na hindi ko siya pwedeng palabasin.

Me: Wag kang makulit Kath huh. Sinabing hindi ka pwedeng lumabas.

K: Maglalakad-lakad lang naman ako eh.

Umiiyak na siya. Kawawa naman yung Fre ko. Aish.

Me: Oh siya siya. Puntahan natin ang Mama mo. Hihingi muna tayo ng permiso sa kanya na pwede kang lumabas. Okay ba yun ?

K: *Sigh* Ok *Sigh*.

Umiiyak pa din siya. Kahit kailan, isip bata talaga tong Fre ko.

Tinawagan ko yung Mama niya. Nagkaroon na din kasi kami ng closure ni Kath simula nung lumipat ako ng paaralan.

Dialling "Tita na Mama ni Fre"

Me: Uhm Tita.

"Ano yun hijo ?"

Me: Itatanong ko lang sana kung...

Tinignan ko si Kath na namamaga ang mga mata sa pag-iyak kanina.

"Ano yun hijo ?"

Me: Itatanong ko lang sana Tita kung pwedeng lumabas si Kath ? Sasamahan ko naman po siya eh !

"Yun nga hijo eh ! Parang nahihigpitan ko na si Kath. Dinadamihan ko na yung mga bawal niyang gawin. Kung di lang dahil sa sakit niya, ay naku, i ma mall ko pa yan..."

Andami nang sinasabi ni Tita kaya di ko na pinakinggan yung ibang sinasabi niya. Hinihintay ko na lang ang sagot niya.

"...pero kung yun yung makapagpasaya sa kanya, bakit ko naman ipagkakait yun ?"

Me: So ano Tita, Pinapayagan mo na si Kath na lumabas ?

Lumapit naman si Kath sa akin at hinawakan ako sa Braso. Ang init nung kamay niya na buong katawan ko ay nag-iinit din. Tapos nilapit niya yung ulo niya sa balikat ko.

Kinikilig ata ako. 😅

"Oo hijo. Basta promise mo lang na hindi mo iiwan at papabayaan si Kath huh ! Babantayan mo siys huh !"

Me: Opo Tita ! Makakaasa po kayo.

"O sige na hijo ! Bye na !"

Me: Sige po tita. Bye po.

*Toot*

Tinignan ko si Kath pero wala na siya sa tabi ko. Tinignan ko ang buong paligid pero wala din siya. Pinuntahan ko ang Room niya pero wala din siya. Nilibot ko na ang buong hospital pero wala din siya. May nakasalubong ako na Doctor na parang ngayon ko lang nakita.

Me: Uhm Doc. May nakita po ba kayong pasyenteng babae. Medyo matangkad, pero di masyado, maganda, mahaba ang buhok, maputi, mapupungay po ang mga mata dala ng mahaba niyang kilay, naka tsinelas po na Doraemon ?

"Wala hijo eh !"

Me: Ganun po ba. Sige sige po !

Nilibot ko ulit ang buong hospital baka sakaling makita ko si Kath. Pero wala. Wala na akong ibang maisip na puntahan. Sa Rooftop ng hospital. Tumakbo ako papuntang Elevator. Pero antagal bumukas kaya nag hagdan na lang ako. Nabasa ko ang 1500 Foot Steps pero binalewala ko na lang yun. Iisipin ko na lang na nag e exercise ako. Tumakbo ako pataas ng hagdanan.

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now