❤Chapter 35❤ I miss that FRE

253 19 0
                                    

Kath's POV

"Bitawan mo ako Clark. Please." pamimilit kong sabi kay Clark. Ang higpit nung pagkakahawak niya sa kamay ko. Palabas kami ng Mall. Nung nakalabas na kami, dinala naman niya ako sa lugar kung saan mga dumadaan lang na sasakyan ang makikita mo. Sinandal niya ako sa isang puno. Hawak niya pa rin yung kamay ko.

"Anong ginawa niyo ?" galit niyang tanong sa akin.

"Wala kaming ginagawa Clark !" sabi ko sa kanya. Wala nga ba ?

"So ano yun ?" tanong niya.

"Anong ano yun ?" tanong ko sa kanya. Di ko siya maintindihan.

"Bakit kayo magkasama ?" tanong niya sa galit na pananalita.

"Aksidente lang na nagkasama kami Clark. Di ko inexpect." pag e explain ko.

"Kath naman oh. Alam mo namang may Boyfriend ka na, bakit ka pa lumalandi sa iba?" sabi niya sa akin. Ang sakit lang niyang magsalita causing for me to cry.

"Ganyan na ba ako kalandi Clark ? Simpleng bagay lang yun Clark. Nagkasabay lang kami. Landi na agad yun ?" sabi ko sa kanya habang umiiyak na.

"Then what's with the Holding Hands ?" galit niyang sabi. Naputol naman yung pagdaloy ng luha ko.

"Magkaibigan lang kami Clark. Walang malisya dun." pag e explain ko ulit.

"Anong wala ? Oo Kath. Alam kong magkaibigan lang kayo. Pero alam kong di lang kaibigan ang tingin mo sa kanya." galit niyang sabi sa akin.

(⊙_☉)

"Pano mo nalaman ?" tanong ko sa kanya.

"Tama ako eh no ? Tama ako." sabi niya. "Na di lang kaibigan ang tingin mo sa kanya." dagdag niya.

"Let me explain." sabi ko sa kanya.

"No need Kath. Sabihin mo lang sa akin na gusto mo pa din siya kesa sa akin. Magpaparaya ako." yung kaninang galit na Clark, napalitan ng malungkot na Clark. I was shocked sa sinabi niya. Umalis siya sa harapan ko at iniwan akong tulala. Anong ibig niyang sabihin ? Na magpaparaya siya for my own sake and happiness ? Na gagawin niya ang lahat para mapasaya lang ako. Bakit ? Nasan ba siya nung kailangan ko siya ? Wala. Eh di nga siya nagsasabi sa akin kung saan siya pupunta eh.

Natauhan lang ako nung naramdaman ko ang pagbagsak ng ulan. At first, di pa ako umalis sa kinatatayuan ko. Pero nung nababasa na ako ng kaunti, napagisip-isipan kong tumakbo papunta sa kotse ko. Kaso ang layo pala ng pinagparkingan ko. Wala naman akong masisilunga kasi medyo may kalayuan din yung mall mula sa kinatatayuan ko. Pero kakayanin ko to. Tinakbo ko ng tinakbo yung papunta sa Parking Lot.

*Peep Peep*

"Ano ? Tatakbuhin mo nalang ba yung pupuntahan mo ?" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Di ko mamukhaan yung mukha ng lalaki dahil sa ulan kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo. "Hey. Kathnese ! Are you going to get yourself sick ?" sigaw ulit nung lalaki. Huminto naman ako at hininto din niya yung kotse niya. Lumapit ako sa lalaki. Kaso di ko nakikita yung mukha niya. Parang lumalabo yung paningin ko.

"Hey ! Are you okay ? Kathenese !" huli kong naramdaman ay ang paglapat ng kamay ng lalaki sa likod ko.

Art's POV

I saw the both of them under the bush of a tree. Nag-aaway ata sila.

Clark left her under the tree. I saw Clark started to cry. Or maybe he is just acting. Napansin kong nababasa ang salamin ng kotse ko hanggang sa umulan nang napakalakas.

I saw Kath running away and I think she will go to her car. But, the place where she put her car was too far for her to run.

*Peep Peep*

"Ano ? Tatakbuhin mo nalang ba yung pupuntahan mo ?" i said. But she didn't listen instead she continue to run. "Hey. Kathnese ! Are you going to get yourself sick ?" pasigaw ko siyang sinabihan. Parang di niya ako naririnig eh dahil sa ulan.

She stopped running. The she turned herself at me. But when she was closer to my car, she suddenly fell down. Lumabas ako bigla sa kotse ko. Wala akong dalang payong kaya basang-basa kami ngayon ng ulan.

"Hey ! Are you okay ? Kathenese !" sabi ko sa kanya sabay hawak ko sa pisngi niya. But di siya sumasagot. Kinarga ko siya tapos pinasok ko siya sa kotse ko. Sinecure ko yung position niya. Ayokong mahulog siya or masaktan while I am driving. When I'd make sure that she's safe, I'd start driving.

Bad Trip. Kung kelan ka nagmamadali, saka pa talaga nagkaroon ng traffic.  Maybe because of the strong rain. Nainip ako kaya pinindot ko ng pinindot ang busina ng kotse ko. Aish.

"Uhhhhggg!" rinig kong ungol ni Kath. Bumabalik na ata yung malay niya.

"Hey Kath !" lumapit ako sa kanya ng konti. "Are you okay ?" I asked.

"What happened ?" she asked.

"Uhm. Nawalan ka ng malay sa gitna ng malakas na ulan kanina." sabi ko.

"So basa pa ako ?" tanong niya ulit. Actually, 1 hour and 33 minutes na ang nakalipas mula nung nawalan siya ng malay.

"Maybe !" sabi ko. Tapos biglang tumahimik sa loob ng kotse ko. Walang usapan ang nangyayari. Walang barrier na naggaganap kasi wala din namang communication na nangyayari. Hehe.

"Uhm. Sorry !" she said suddenly.

"For what ?" curious kong tanong.

"About kanina. Kung di sana ako sumama sayo, di sana ganyan ang nangyari sa mukha mo." she said. I am so upset na napansin niya yung band aid sa mukha ko.  I don't her to be worried about me.

"It's okay. I'm fine." sabi ko naman.

"Sure ?" sabay lapit niya sa akin at hinawakan niya yung pasa sa mukha ko.

*dug dug*

*dug dug*

*dug dug*

I'd feel uncomfortable kaya binaling ko yung atensyon ko sa daan. Medyo nawawala na rin ang traffic sa daan kaya nagsimula na akong magdrive pauwi.

Narating namin ang bahay mga 6:00 na ng hapun. Medyo dumidilim na rin kaya hinatid ko sa tapat mismo ng kanilang bahay si Kath.

Bumaba ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. She thanked me then she went inside the gate. I open the door of my car.

"Uhm. Kitakits bukas...Fre !"

(⊙_☉)

I miss that thing.

------------------------

That Sudden Tibok Ng Puso [Book 1]Where stories live. Discover now